I went home early dahil walang sumipot na prof noong huling subject ko at wala din naman kaming sched sa org ngayon. Mabuti na lang na wala dahil hindi ko alam kung papaano ko papakitunguhan si Kuya Noelle. Hindi na din kami nagkasalubong sa Campus mula noong tinakbuhan ko siya kanina.
Nakahalata din si Ferr na kakagaling ko lang sa iyak dahil sa namumugto kong mata. Duda pa nga ito na ang iniyakan ko ay si Kuya Noelle pero hindi ako umimik dahil iyon naman talaga ang totoo. Kaya nilibre niya ako kanina ng ice cream sa labasan kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Naguguluhan ako dahil sa inakto niya kanina. Lalo na sa classroom, pwedeng may makakita samin. Andami kong whys sa utak ko. Saka ang tagal na noong insidente na ginawa ko. It was 8 years ago. Ang bata ko pa noon ganun din siya. Tanggap ko na din na baby sister lang ang turing niya sakin.
Nagutom ako nang kinahapunan kaya bumaba ako para kumuha ng chips at soda sa baba. Mag nenetflix marathon ako ngayon ng k-drama. Suot ang pajama ko at sando ay tinungo ko ang kusina.
"Hey." Malumanay na sabi ng isang baritonong boses.
Sa pagkabigla ko ay napalingon ako agad habang kagat kagat ko ang sandwich na kagagawa ko lang.
"I'm sorry for what I did earlier" dagdag niya habang nakasandal sa may ref.
Halatang kagagaling niya palang sa campus dahil suot niya pa din ang damit niya kanina.
"Bakit mo 'yon ginawa? As far as I remember. Iyong nangyari 8 years ago ay wala lang naman sa'yo. Saka, ang tagal na noon." Kunot noo kong tanong sakanya habang hawak hawak ko ang sandwich na kinakain ko.
"Wala naman sigurong magagalit sa ginawa ko diba? As far as I know, wala ka namang boyfriend, Cassiopeia." Mapanukso siyang lumapit saakin. Dahil sa takot kong maulit ang nangyari kanina, bigla akong napaatras hanggang sa tumama ang likuran ko sa open kitchen divider dahilan para mapa aray ako sa sakit.
"Fuck. Are you okay?" Tarantang tanong niya.
Hinimas niya ang parte ng likod ko na tumama doon sa semento. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. The heck! Kinarga niya lang naman ako na parang newly wed.
Binaba niya ako sa sofa habang hawak hawak pa din ang sandwich ko. Then, he kneeled infront of me. Those eyes, it says something but I couldn't figure it out.
Tandang-tanda ko pa noon kapag pumupunta sila sa bahay namin every saturday for dinner.
-
"I'm turning 12 next year nanay. Why can't I dye my hair like ate bela?" I sighed.
Natawa lang sila Tita Reina while I'm having my tantrums for a hair dye kay Nanay.
Gustong gusto ko talaga magpa kulay ng ash brown kagaya ng kay Ate Bela. Gumanda siya lalo at Bumagay ito sa kutis niya na maputi.
Hindi naman nagkakalayo ang kulay namin ni Ate Bela. Mas maputi nga lang siya dahil sa lahing chinese ni Tita Reina. Pero feeling ko naman ay bagay din saakin iyon.
"Your hair looks good on you. It suits you very well" malumanay na saad ni Kuya Noelle
Binigyan niya ako ng ngiting hindi ko kailanman nakalimutan. Iyon ang unang pagkakataon na minasid ko ang mukha niya at tinitigan ang mapupungay niyang mata. Dahil iyon ang simula ng paghanga ko sakanya.
-
Inabot niya bigla ang kamay ko at hinawakan ito na ikinabigla ko. Gulong-gulo na ako. Bakit ganoon? Kung maka asta siya ay parang iba noong huli naming pagkikita. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya noon sakin at malinaw na wala siyang gusto saakin at tanggap ko na iyon.
"W-what are you doing?" Nagugulong tanong ko sakanya ng nagpupumiglas habang hawak niya ang kamay ko.
"For the past 2 years. Cassiopeia.I fell inlove with you. I fell really hard and I don't think na parang kapatid lang iyon like what I said 8 years ago" saad niya habang nakatingin siya sa kamay ko.
What the heck is he talking about?!
"Anong sinasabi mong 2 years ago? Eh hindi naman tayo nagkakausap. Ayos ka lang ba kuya noelle?!" I'm pissed.Then he sat beside me habang hawak hawak ang kamay ko.
"We did. Everyday lagi tayong magkausap." Binigyan niya ako ng tipid na ngiti pero makahulugan.
Teka. Naguguluhan ako. Papaano naman kami nagkausap at everyday pa? May nag hack kaya ng account ko? Gulong gulo ang isip ko pati mukha ko ay hindi na maipinta sa lito. Napapikit ako at napa buntong hininga. Iniisip ko kung papaano kami nagkausap ng dalawang taon.
"I was Bela." Dagdag niya.
"W-What? Anong sina-"
"Gamit ko ang account niya. Hiniram niya ang phone ko once at hindi niya iyon na log-out. Ako ang kausap mo for the past 2 years. I knew everything about you. Lahat ng problema mo for the past 2 years. Lahat ng nanligaw sa'yo. Kung saan ka nagpupunta. Ako ang kausap mo that time. I'm sorry.. " bumuntong hininga siya.
Sinulyapan ko ang mukha niya habang hawak-hawak ang kamay ko. Nag mature ito. Mas lalong nahubog ang guwapo niyang mukha kumpara noong 16 years old pa lamang siya.
"Pero kuya, it doesn't make sense. Akala ko si ate bela ang kausap ko. You mean, lahat ng sumbong ko kay ate bela? Ikaw-"
"Yes. It was all me. Back then, wala akong feelings sa'yo pero everytime nakakausap kita. Hindi na ikaw iyong nakababatang kinakapatid ko. I see you as a woman, Cassiopeia. And I fell. maybe .. maybe I really have feelings for you back then pero hindi ko iyon inacknowledge dahil sobrang bata mo pa"
Kunot noo kong sagot sa mga sinabi niya hindi nag sisink in saakin ang mga nalaman ko. Alam ba ito ni Ate Bela?
"Does ate bela know about this?" Tanong ko sakanya.Hawak- hawak niya parin ang kamay ko .
"She knows. Please don't get mad at her. Ako lahat ang may kasalanan. Pinakiusapan ko siya tungkol dito" sumulyap siya saakin.
Kinalas ko ang kamay namin na mag ka hawak at hinalukipkip ito.
"Hindi pa nag sisink in ang lahat Kuya Noelle, naguguluhan pa rin ako." Tumayo ako at tinalikuran siya." I will make you fall again for me, Cassiopeia." Malumanay niyang sambit.
Hindi ako makatulog ngayon. I texted ate bela dahil Gusto ko siyang makausap tungkol sa sinabi saakin ni Kuya Noelle kanina. pero hindi siya makakauwi dahil naka duty siya ngayon hanggang 5 am.
It's already 2:30 am. Fuck you Kuya Noelle. I can't sleep. Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko iyong mga sinabi niya kanina.
I decided to get some milk downstairs hindi nako nag tsinelas para hindi marinig ang pagbaba ko ng hagdan. Mahirap na baka magising pa ang hindi dapat magising.
Wala ngayon si Nanay dahil may business summit na inattendan sa kalapit bayan. 4 hrs pa naman ang layo noon kaya she decided na dun na lang mag stay.
Kakakuha ko lang ng gatas ng biglang bumukas ang ilaw sa sala.
"WTF!!!! Hobby mo bang mangulat Kuya Noelle?!" Imbyerna kong sigaw sakanya.
Halatang napabalikwas siya galing sa tulog dahil naka sando lamang siya suot ang itim na boxers at gulo gulo ang kaniyang buhok.
Damn. Kung ikaw mismo ang makakita sakaniya ay talagang mapapa iling ka dahil ang hot niya ngayon kahit kakagising niya lang.
"What were you up to? It's 2:30 in the morning for pete's sake." Tanong niya at sabay hikab.
"It was all your fault" diin kong sagot sakanya.
Tinalikuran ko siya at tumungo na ng kwarto ko.
Shit. I should really sleep or else makaka tulog ako bukas ng umaga sa quiz ko sa philo.
Note: Hi!!!! I hope you're enjoying the story of Cassiopeia. You remember Kael? The one who recommended some kdramas to cassiopeia? Well, you will finally meet him sa next chapter so stay tuned.
Please do tell me your reaction about this chapter. I will definitely appreciate it ❤️ Kamsahamnida!
(NEXT IN BITUIN 6)
BINABASA MO ANG
Cassiopeia Polaris (Sweetest Downfall Series I)
RomanceCassiopeia Polaris, The girl who was named after the brightest star in the universe. She got the looks, brain and attitude. The Heiress of the biggest Grocery Store in San Antonio. But, there's only one thing she wishes she can have. 8 years ago sh...