SEVEN

84 9 10
                                    


Antagal lumipas ng oras. I was so bored that I workout this afternoon. 


After I workout, I decided to do the laundry. Naglalaba ako kinina nung nagvideo call sina Hershey at Liezl.


Now I'm done doing the laundry. Nakahiga na ako ngayon sa sofa. They said they want to call to check on me! I roll my eyes at them. I'm not in high school anymore!


"Nakita niyo yung tweet ni Simon?" biglang tanong ni Liezl.


Nasamid ako.


"Oo nga nandyan siya sa UP kinina, ah! Nakita ko yung IG story niya," dagdag naman ni Hershey.


I look away. Hindi ako makapagsalita. Mas maganda kung sa personal ko sa kanila ikwekwento.


Malandi ka! I'm hearing it again. Napapikit ako. Ngayon palang alam ko na kung anong sasabihin nila sa 'kin.


My phone beep. Nakita kong tumatawag si Mama.


"Bye na. Tumatawag si Mama," I said to the both of them.


"Paki Hi ako kay tita! Miss ko na kamo yung lasagna niya!" Bilin ni Liezl.


"Ako din miss ko na kamo pumunta sa inyo!" Sabi ni Hershey.


"Okay, okay bye!"


Pinatay ko na yung video call at sinagot yung tawag ni Mama. Hindi nga pala ako umuwi ngayon.


"Ma," bungad ko kay mama.


"Hindi ka umuwi ngayon?" tanong ni mama.


I smile hearing her voice.


"Opo! Wala pong tao sa dorm ngayon, ako lang. Umuwi muna sina Liezl at Hershey. May problema sa companya nila Liezl tapos may sakit naman si Tita, mommy ni Hershey," pagkwekwento ko kay mama.


"Ganon ba. Siya Sige tatawagan ko at kakamustahin na din sila."


"Okay po," natatawang sabi ko.


Napailing ako. Magtsitsismisan na naman sila mamaya.


"Okay ka lang ba diyan? Yung mga damit mo? Pagkain? Gusto mo ba dumaan diyan ang papa mo?" nagaalalang tanong ni mama.


"Okay lang ako, Ma! Nakapaglaba na po ako, mamaya po ako magpaplantsa. May pagkain naman po ako dito." I said while smiling.


I miss them. Sana hindi ako maging busy next week para makauwi ako.


"O siya sige. Magsabi ka kapag may kailangan ka, ha? Sinasabi ko sayong bata ka!" galit na sabi ni mama.


Fall "Who wouldn't fall for you?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon