Fifteenth Week

83 10 5
                                    

The whole school became busy because of the 45th season of the Interschool Athletics League. Naghahanda ang lahat dahil Princeton ang host school ng taong 'yon.

Pinangunahan ng SHS at ng JHS student coordinating body ang mga plano para sa gagawing opening ng AIL. I really learned a lot from the higher ups. Sobrang organized nila and detail oriented. They also made sure na maayos nadedelegate ang mga tasks. Lagi silang nagmomonitor at nakikipag coordinate sa amin.

The JHS SCB officers are in charge of the documentation.

The reason why the officers are scattered around the campus. Ako ang nagdelegate ng tasks nila. Kung sino ang gagawa ng AVP, kukuha ng mga larawan at highlights, montage, magcocover ng opening, mag-iinterview ng mga athletes, at iba pa. We teamed up with the school's publication.

You are also extremely busy on your trainings. Hindi ka na nga umuuwi sa bahay niyo, at namamalagi na lang sa dorm. 5 am kasi pinapatakbo na kayo ng coach niyo around the campus to jog. Madalas pagpasok ko ay naabutan ko pa kayong paikot ikot sa grounds while dribbling. Hindi lang kayo ang ganoon, sila Ravi din madalas nasa soccer field agad, umagang umaga pa lang.

Pagkauwi ko naman, ay lagi mo akong pinapadaan sa gymnasium. Hindi na ko nakakauwi ng maaga for the preparation, but I would still catch you playing ball with your teammates. Parang hindi napapagod.

I'm always amazed of your hardwork and dedication. I'm always caught by your eyes full of delight everytime you're doing something that you love. Pakiramdam ko ay may humahaplos sa puso ko kapag nakikita kitang naglalaro. You look free and happy.

Kaya I always make sure to drop by in the gym before going home. Dinadalhan rin kita ng pagkain. At first,  I only brought food for you, medyo tanga lang dahil hindi ko naisip sina Heaven at Lelouch. Nagtampo pa nga si Heaven dahil hindi ko raw siya inalala. Totoo naman.

So, the next time I dropped by the gym, I made sure I had three large energy drinks and food that you requested.

Sa tingin ko nga hindi niyo naman kailangan. Maraming nagbibigay ng pagkain sa inyo. With all your fangirls, siguradong di kayo mawawalan! Walang mauuhaw o magugutom sa mga Baby Hawks nila. Kairita.

Isang beses pa ng pagbisita ko ay mukha kang biyernesanto. Tinigil mo agad ang pagshoot ng bola mula sa three point line nang makita mo ako. Sanay na ang team mates mo na makita ako, lagi nga akong binabati ni Tres. He's the captain ball. He's already in 12th grade. Matangkad siya, moreno, guwapo at matipuno. He looks very playful. Parang walang gagawing matino. But I've seen him getting strict and serious inside the court.

"What's with your face?" Tinuro ko pa ang mukha mong nakakunot ang noo at tikom ang labi.

"Lelouch is hitting on my sister." Lalo pang naging iritado ang mukha mo nang sinabi mo ito. Like the mere thought of it made your blood boil.

Kwinento mo sa akin ang nangyari. Nainis pa ko sayo nang nalaman kong pinakialaman mo ang gamit ni Lelouch. You saw Saoirse's baked cookies. May note pa roon para kay Lelouch. Kaya pagbalik ni Lelouch sa gym ay sinuntok mo agad.

Lelouch then told you, he doesn't like her back. He doesn't want to reject her publicly and humiliate her kaya tinanggap niya raw ang pagkaing binigay ng kapatid mo.

You told me that your anger doubled up. Minumura mo pa si Lelouch habang nagkekwento.

"My sister is an angel. She's perfect. Who wouldn't want her? That son of a bitch! Ano pang hahanapin niya sa kapatid ko?"

I didn't know what are you even angry about. I thought you don't want Lelouch for your sister but then you also don't want him to reject her.

Halatang halata sa opening ng AIL ang alitan niyong dalawa. Ikaw, si Lelouch at si Tres ang tatakbo para sa torch lighting ceremony. Each one of you is waiting in some sort of station papunta sa stage.

I'll RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon