"GENTLEMAN... you will have no regret of choosing our agency. Rest assured that will be doing its best to meet your expectations." Belle had wide smile as she spoke in front of seven men. Her agency just bagged the bid for the print,radio and television promotions and advertisements of the latest project of BMG Development Corporation.
BMG stood for Business Management Group. Naroon siya para sa final presentation sa Board of Directors.
Ang pito na lalaking kaharap niya ngayon ay mga engineers at architects na bumubuo ng Board Directors ng kompanya.
Ang president niyon na si Engineer Alexandre Reyes ay matalik na Kaibigan ng kanyang papa pero hindi naging madali para sa sarili niyang ahensiya na manalo sa bidding para sa isang taong exclusive niyon.
Dumaan siya sa butas ng karayom para masungkit ang pinakaaaasam na proyektong iyon.
She had sleepless nights thinking of strategies and analysis on how to get it.
Finally, it was over.
Nang matanggap niya ang notice ng BMG na ang ahensiya niya ang pinalad na manalo. Nagtatalon siya sa tuwa.
It would be her agency's biggest project so far. Sigurado siyang makikilala na ang agency nila sa buong mundo ng advertisement.
She had been in the business for more than two years but it was only now that she was able to get very big project.
Through this, her agency would soar high and that would mean financial breakthrough. Maari na rin siyang magdagdag ng staff.
She only had art director si Axl na business partner niya dahil thirty percent ng stocks ay pag-aari nito, isang administrative assistant na si Angel, isang photographer na si Kemuel at ang liason officer niyang si Kimberly.
Sa laki ng proyektong kahaharapin nila ngayon, she would be needing at least additional four employees to do other jobs.
Masasabi niyang dahil sa sarili niyang pagsisikap kaya nanalo sila sa bidding. They had met BMG's requirements.
Maaring nakatulong ang pagiging magkaibigan ng kanyang papa at ni Engineer Reyes subalit mismong ang papa niya ang nagsabing ni hindi nito ginamit ang koneksiyon nito.
Her father Reynaldo Olivarez was an officer of Olivarez Internal Revenue.
But he was a kind of government official who didn't use power to ask favors from anybody.
Ayaw din kasi nitong mahihingan ng pabor.
BMG was one of the biggest construction and development corporations in the world.
Katunayan ay nagunguna ito sa pagtatayo ng mga mall hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't ibang bansa sa buong mundo.
Her agency would be focusing on BMG's development of the biggest Theme Park in the country.
Sa isang malawak na lupain sa Batanggas iyon itatayo.
Alam na alam niya kung paano i-establish ang promotions at advertisement ng park.
She used that knowledge in her bidding proposal as she was very familiar in it.
"Thank you very much for your trust on us." Pagkatapos niya saka isa-isang kinamayan ang mga lalaking mukhang na amaze sa kanyang mga sinabi.
Hindi maikakaila ang paghangang nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Pero sa isip ni Belle, hanggang tingin lang ang kayang gawin ang mga ito. They were too old for her.
Alam din niya na lahat ng mga ito ay pamilyadong tao na.
Isa pa, wala sa hinagap niya ang muling pumasok sa isang relasyon.
BINABASA MO ANG
Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)
RomanceGinawa niya ang lahat ng makakaya niya upang makamit iyon at ibibigay niya ang lahat ng effort niya para sa lalong ikakabuti ng project nila. Subalit tila nawindang ang mundo at plano niya nang matuklasang ang arkitekto ng BMG na makakasama niya sa...