Pinipilit niyang labanan ang damdaming umaalipin sa kanya. Kung madali siya nitong nakuha noon puwes, mahihirapan ito ngayon.
"Masyadong kang obvious, Architect Raiden Xanthus Drake Fabregas. Kung iniisip mo na makaka-score ka sa akin, you're wrong."
Ngumiti ito. "Bet?"
Napataas ang kanang kilay niya. "Anong..."
"Tonight... you'll be mine," mahinang sabi nito. "I haven't seen that desire in your eyes in years."
"Drake... stop it, please, or I will drive myself to Manila. May kotse diyan si Daddy."
"Bakit? Natatakot ka sa sinabi ko o masasabi ka?"
Tumayo siya. "I warned you, Drake. You not to talk dirty. Hindi na tayo mag-asawa."
"Correction, mag-asawa pa rin tayo and I'll say what i want."
"Nasa harap tayo ng pagkain."
"Ganito naman tayo dati, hindi ba? Walang pinipiling oras at lugar."
"Noon 'yon. Iba na and sitwasyon ngayon."
"As long as the feeling is still there, walang dapat mabago."
"This is insane," aniya. Paalis na sana siya pero pinigilan ni Drake ang kamay niya.
"At kailan ka pa naging pikon, Mrs. Fabregas? Finish your food."
"Please lang, Drake. Tigilan mo ako. Iiwan talaga kita rito. Pwede akong lunmuwas mag-isa sa Maynila."
"Chill... Okey... Okey... sorry na. Hindi na kita kukulitin."
Saka lang siya muling umupo at tinapos ang kanyang pagkain.
Pag katapos na pagkatapos kumain ay agad siyang nagtungo sa kaniyang kuwarto. Her mind was full of anticipation of what was going happen tonight pero alam niyang kabaliwan ang mag-isip ng kung anu-ano.
Drake was just teasing her. At saka dapat ay maging matatag siya na walang mangyari sa kanila hangga't Hindi pa malinaw ang relasyon nito kay Ann.
She was now in her room, in the same bed where she and Drake once shared intimate moment together. Nangyari iyon nang magtungo sila roon na wala ang parents niya.
Napilit niyang matulog doon si Drake. Iyon ang una at huling pagsama ni Drake sa kanya sa mansiyon. Dahil nga sa kubol sila nag-stay nang matagal.
Napalunok siya nang mapadako ang paningin sa kama. As if she was seeing her and Drake in that bed making love.
Bago pa siya mabaliw ay pumasok na siya sa banyo para mag-shower at mag palit ng pantulog.
Kanina ay naipagbilin na niya kay Aling Maria na ayusin ang guest room na tutulugan ni Drake.
May damit naman daw ito sa kotse kaya hindi na niya inintindi pa ang isusuot nito sa pantulog.
Pinalagay lang niya ng tuwalya at mga toiletries ang banyo ng guest room.
_______
A/N: Oppss bitin mo na hihihi sorry guys kung ngayon lang ako naka pag update kasi sobrang busy ako sa module ko at sa mga activities namin and Don't Forget To Vote,Comment and Share this!
BINABASA MO ANG
Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)
RomanceGinawa niya ang lahat ng makakaya niya upang makamit iyon at ibibigay niya ang lahat ng effort niya para sa lalong ikakabuti ng project nila. Subalit tila nawindang ang mundo at plano niya nang matuklasang ang arkitekto ng BMG na makakasama niya sa...