Chapter 8

189 12 1
                                    

Gusto na sanang bumaba si Belle sa lobby ng condominium. Four minutes before six na, hindi pa tumatawag si Drake sa kanya.

Hayy... hindi pa naman siya nakakatulog ng maayos. Halos madaling-araw na siya natutulog sa kaiisip kay Drake.

Tapos, gumising pa siya ng alas-singko para maagang makapag-handa sa travel nila sa Batangas.

Hindi naman kaya nalimutan nito ang lakad nila?

Wala siyang nagawa kundi maghintay. Maya-maya ay tumunog ang intercom niya na nakakabit malapit sa main door. Mabilis siyang lumapit sa pinto at sinagot iyon. "Yes."

"Ma'am Belle... may bisita ho kayo."

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. "S-sino?" Tanong niya kahit sigurado niyang si Drake na ang nasa ibaba.

"Raiden Xanthus Drake Fabregas po, Ma'am."

Mas naging eratiko ang tibok ng puso niya pagkarinig sa pangalan nito. "Bababa na ako. Pakisabi na lang sa kaniya."

"Eh, Ma'am, kakausapin daw kayo."

"Okey, Sige" humugot siya ng magkasunod ng malalim na buntong-hininga.

Kay bilis ng tibok ng puso niya nang marinig ang boses nito.

"Belle, can I come up? Drained lang ang battery ng phone ko. I need to recharge kahit saglit lang. Wala ang car charger ko, eh. May importante akong tatawagan."

"All right." Nasabi na lang niya. "Let me talk to the guard." Sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

Kinausap niya ang guard na paakyatin ang kanyang bisita. "Right away, Maam."

After two minutes the doorbell rang. She gasped for air bago niya binuksan ang pinto.

And there was Greco!! He was very very handsome as ever in his denim pants and V-neck shirt . Naamoyan niya yung shave at men's cologne.

Shit ang gwapo ng asawa niya!!

Pinigilan ni Belle ang utos ng damdamin yakapin ito at halikan, she missed her husband that she wanted to hug him, kiss him and... touch him.

"C-come in." aniya matapos maglinis ng lalamunan. Para siyang sira na nag-iisip ng kung anu-ano.

"Thanks." He was gazing straight in her eyes.

Niluwangan niya ang pagbukas ng pint. Napasinghap siya nang lumagpas ito sa kaniya at masanggi ng braso nito ang braso niya.

"You have a nice unit." Nakapasok na ito sa salas. Iniikot nito ang paningin.

"T-thanks" utal niyang sabi. Damn bakit nauutal siya?

Nilingon siya nito. "Bakit hindi ka sa bahay ninyo sa Quezon City tumira?"

"I want to be independent." taas noo niyang sabi.

"Kamusta na pala sila mommy at daddy?" Tanong nito at umupo na sa malambot at mahaba na sofa.

"Okey lang naman sila, malapit na umuwi sila mom, dad at kasama si ate na bagong anak lang" sagot niya. "Sabi mo, magtsa-charge ka ng phone mo?"

"Sana, kaya lang naiwan din pala ang charger ko sa condo ko. Pahiram na rin ng charger."

"Sorry, wala akong IPhone na charger eh."

"Hindi bale. Mamaya na lang ako tatawag."

"Importante ba? You can use my phone, if you want."

"Oveseas call, eh. May tatawagan ako sa Singapore."

"It doesn't matter. Nakalinya ang phone ko. Hindi ka naman siguro aabutin ng tatlong oras?"

Kinuha niya ang phone sa kanyang bag at inabot dito. " Don't worry. Talagang sisingilin kita kapag masyadong malaki ang bill." Nagawa niyang saguti ito nang pabiro.

"Ahmm... Nag-breakfast ka na ba?"

"Hindi pa. Late ako nakauwi kagabi. Hindi rin ako nakapag-dinner."

"Okey lang ba sa iyo ang hotdogs, bacon at eggs? Iyon lang ang available ko rito, eh." God she loved the way tey were talking now. Kay gaan-gaan ang pakiramdam niya.

"Well, that's a lot better than pandesal and peanut butter." Nakangiti pa ring sabi nito.

"Sandali lang mag-luluto muna ako. Tatawagan mo na ang gusto mong tawagan." Nang talikuran niya ito ay parang hinaplos ang puso niya. Kung pagbabasehan ang kaligayang nararamdaman sa kaniyang puso.

_______

A/N: oppss diyan lang muna tayo guys. Baka next week ang susunod kung UD kasi masakit yung mata ko kailanga ko mag rest . So Abangan sa susunod na pangyayari❤

Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon