Chapter 5

212 13 0
                                    

Si Drake!! What is he doing here? Biglang nahila ni Belle ang kamay niyang hawak pa rin Axl.

Napalingon si Axl sa pinto. Nakilala nito agad si Drake dahil may larawan si Drake na ipinakita niya rito noon. But Axl didn't say a word. Mukhang nabigla rin ito.

Saglit na nabot ng katahimikan ang paligid. Si Drake ang unang nagsalitan. "I just came in. I hope you don't mind. Wala kasing tao sa labas." His voice was low. He was holding a set of blueprints na bahangya nitong itinaas. "I just brought this. Mukhang mali ang timing ko ngayon." Sinulyapan nito si Axl.

Saka lang parang natauhan sa pagkabigla si Belle. Tumayo siya upang kunin yung blueprints na nasa kamay ni Drake. "Ah... no... no... it's okey. Hindi ko ini-expect na ngayon mo na dadalhin ang blueprint. Come in..."

Humakbang ito papasok. "Natutunan ko sa buhay, pati sa trabaho ko, every second counts. I was on my way here kaya dinala ko na." Lumingon ito.

"Ahmm Saan ko ito pwede ilagay?" Tanong nito. Tumayo rin si Axl. "Ahmm... give me that. Ako na ang bahala rito." Inabot iyon ni Drake.

Gustong batukan ni Belle ang sarili. Ano't natitigilan siya? Ipinilig niya ang ulo. Ipakilala niya ang dalawang lalake sa isa't isa na dapat ay kanina pa ginawa. "Axl, siya si Architect Raiden Xanthus Drake Fabregas... Drake, meet Axl my partner, the art director of Alpha Group." Pakilala nito.

Agad na kinipkip ni Axl ang blueprints sa kaliwang kilikili saka iniabot ang kanang kamay kay Drake. "It's my pleasure to meet you, pare. I'm Karl Axl James Hixeirdoux." Drake accepted Axl's hand. "Drake."

"Maiwan ko muna kayo." Paklik ni Axl matapos ang maikling pagkakamaya ng dalawa.

Ibinaba nito ang round table na nagsisilbing conference table nila ang blueprints saka bunaling kay Belle. "Xy, i have to check something in the creative department. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka." Anito bago sumulyap kay Drake saka tumalikod at humakbang palabas ng pinto.

Nang wala na si Axl ay umatikabo ang malakas na kaba ni Belle.

She didn't expect to see Drake twice that day. Heto na naman at muli silang nagkita. "T-thank you sa pagdadala ng blueprints. Mapag-aaralan muna namin ni Axl bago ang initial studies para sa brochure and other related print ads in the future." Aniya kahit pinipilit niya ayusin ang pagsasalita niya

"Are you telling me to go now?"

"H-hah?"

"Nakakaabala ba ako sa inyo ni Axl?" Tanong nito

Napalunok siya. "Anong..."

"Siya ba?"

Gusto niyang himatayin sa implikasyong naisip niyang pumasok sa utak nito. Was it jealousy that she saw in his eyes? God, kinalembang ang puso niya sa isiping iyon.

"Axl is..."

"I know. When you're with him, tinatanggal mo ang wedding ring mo kapag kasama mo si Axl." He showed a sardonic smile. "Seloso ba si Axl?"

Hindi niya alam kung matutuwa pa siya o maiinis na sa karumihan sa iniisip nito.

"As far as I know, he's not a jealous type." Hindi talaga seloso si Axl base sa pagkakaalam niyang estado ng relasyon nito sa girlfriend.

"He's a very mature, secure and confident man."

Nangunot ang noo ni Drake. Halos ay magkasulobong ang mga kilay nito "Unlike me? Masyado akong insecure dati?"

She sighed "Away ba ang punta mo dito Drake? There's no need to fight. Matagal na tayong hiwalay." Mariin niyang sabi

"Oo nga pala. Matagal na tayong hiwalay." Iginala nito ang paningin sa opisina niya. "You have a nice office." Humakbang ito at lumapit sa dalawang larawang nakapatong sa side table.

Ang isa ay solong larawan niya at ang isa ay kasama niya si Axl at tatlo pa niyang staff.

Nakaakbay si Axl sa kanya sa kuhang iyon."Mukhang masaya ang atmosphere dito."

"Kaunti lang kami pero masaya naman. Most especially now... na nakuha namin ang BMG project. We will add two or four employees as soon as possible." Malakas pa rin ang tibok nito.

"C-care for something to drink?"

Lumingon ito. "Do you have a tea?"

Tumungon siya. "M-meron"

Sumulyap ito sa kapeng nasa mesa niya.

"Inaatake ka pa rin ba palagi ng migraine? Black coffee parin ba ang therapy mo sa migraine?" Sunod-sunod nitong tanong.

"When... when I am stressed out, yes" sagot niya

Tumitig ito sa kanya. "Ano ang nakapagpa-stress sayo ngayon? Ako ba? Hindi ba alam ng mga kasama mo rito ang tungkol sa akin? Especially Axl?"

"Do they need to know about you?"

Humakbang itong palapit sa kaniya. "But at least, you have tell Axl... as your... partner. kahit ba hindi siya seloso. I guess he has the right to know about our past."

Ewan ba ni Belle kung bakit kinikiliti siya sa isiping nagseselos si Drake.

"Axl knew about my past." Sagot niya. Totoo naman iyon. Naging close sila ni Axl ay wala na siyang inilihim dito.

"Did he know I am your Husband?"

"Correction Ex-Husband" pagtutuwid niya.

" Ex-Husband... right Does he know I am your Ex Husband?" Binigyan nito ng emphasis ang huling sinabi niya.

Tumungon siya.

"Good"

___________

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon