Chapter 15

211 11 2
                                    

Masayang-masaya na naman ang mag-asawang Anton at Maria nang makita silang magkasama bumalik sa mansiyon.

Nag-upload si Belle sa komputer ng mga litratong kinuha niya kanina at ipinadala sa e-mail ni Axl para maumpisahan na nito ang pagli-layout ng broucher para sa project nila.

"Kailangan mo bang gawin 'yan ngayon na parang wala nang bukas, Belle?" Tanong ni Drake habang pinapanood siya sa kaniyang ginagawa.

Nilingon siya nito bago ibinalik ang atensiyon sa ginagawa niya. "I don't waste time. Number one rule ko sa business ko, Hindi ko na ipapabukas ang maari kung gawin ngayon"

"Does that only apply to business and not your personal life?" Tanong ulit nito.

Nilingon niya ito uli. Bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang mga mata nila kaya agad niyang binawi ang kaniyang paningin at muling itinutok sa computer monitor.

"Iba ang business sa personal life, Drake. Ang buhay dapat pinag-aaralang mabuti. Ayoko nang maulit ang nangyari noon sa atin na biglang nagpakasal pagkatapos naghiwalay din sa huli nang hindi ma-patch up ang differences natin."

"We're both mature now, Belle. We can iron out those differences."

"Here we go again. Ikaw ang may sabit na dapat plantsahin at habang hindi mo naayos ang gusto mo sa buhay mo, malabo ang sinasabi mo." Sabi niya.

"I promise I will, Belle."

"Puwes gawin mo muna. Do i make myself clear?"

Ngumiti ito sabay saludo. "Yes, Boss."

Pinigilan niyang gantihan ito ng ngiti pero alam ng Diyos na bumuhay nito ang isang pag-asang matagal na niyang kinimkim sa kaniyang puso niya.

Maya-maya pa ay si Drake naman ang sa harap ng komputer. Gumawa ito ng sample lay-out para sa brochere. Mabilis nito nagawa iyon na ikinahanga niya sa binata.

"That's great. Kapag mas maganda yan sa gagawin ni Axl, can we use that?"

"By all means pero baka magalit si Axl."

"I don't think so." Sagot niya.

"Mabuti at hindi ka niligawan ni Axl?" Biglang tanong ni Drake sa kaniya.

"He did." Kaswal na tugon naman niya.

"Hindi mo siya sinagot?" Tanong nito.

Umiling siya. Ikinuwento niya ang simula ng pagiging matalik na kaibigan nila ni Axl. Naging magaan ang kwentuhan nila bagay na hindi inakala ni Belle na mangyayari pa.

Pagkatapos niyang magkwento ay titig na titig si Drake sa kaniya.

Jusko lord sabi ni Belle sa kaniyang sarili.

"What?" She asked. Her pulse and heartbeat were racing.

"I miss you Koi..."

Napaawang ang labi niya. Koi. Iyon ang term of endearment nila ni Drake noon. Siya ang nagpasimulang itawag nito sa kaniya. Bigla niyang ibinaling ang paningin niya palayo rito.

Shit ang bilis ng tibok ng puso niya!

"I realized how I have been missing you much all this time. I remember when we first made love... "

Hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Sasabihin din ba niya na miss na miss din niya ito? "Drake..." sa wakas ay nagawa niyang magsalita at sulyapan ito. "Please...  don't bring that up, nakakahiya." There was a surge of desire just to be touched by him. She told herself to get out of the room but she stayed.

"Alin ang nakakahiya? We thought that's the best thing to do then... to make love... para hindi tayo mapaghiwalay pa ng parents mo."

She shook her head. "It was beginning of one long mistake, Drake. Napakarami nag-bago sa atin and differences. We hurt each other emotionally. In some point, we hated is each."

Drake looked at her intently. "I never hated you, Belle. I love you then, now and forever."

Nagawa niyang labanan ang titig nito.

Jusko sobrang bilis ng puso niya.

They looked into each other's eyes until the moment grew awkward.

Drake just gazed at her, looked at her mouth, her chin and then back at her exposed throat.

"Touching you was will all I knew of heaven. Kahit Sino, kahit kailan, walang makakapantay."

"Stop it! Drake... please Stop it---" Hindi niya nagawang tapusin ang kaniyang sasabihin, sa isang iglap ay naangkin ni Drake ang kaniyang mga labi.

He pressed his lips perfectly against hers and opened the floodgates of memory. The kiss was brief. The yielding stopped. They finished as abruptly as they begun.

Belle gulped for air.

Drake just stared at her haban hawak ang kaniyang kamay. "Koi..."

"Stop calling me that, Drake. And Don't You Dare kiss me again without my permission."

He smiled. "Maybe I'm reminiscing but you expected me to kiss you."

Nanlaki ang mga mata niya. "Nakaangat ka lang sa buhay ay naging conceited ka na yata, Architect Raiden Xanthus Drake Fabregas!" Kunwaring ay nagagalit siya pero nasisiyahan ang kaniyang puso.

If Drake would be persistent in winning her back, Hindi ito mahihirapan lalo na kapag nagawa nitong ayusin tungkol kay Ann. After all, she was the wife.

Lumabas ang nakakalokong ngiti ito mula sa mga labi ng binata. "Buti nga, halik lang, eh."

Lalo niya itong pinanlakihan ng mga mata. "Drake!"

Itinaas nito ang dalawang kamay. "All right. Hindi na ako uulit. Mamaya na lang." Anito bago tumayo at mabilis na lumabas.

Napahugot na lang siya ng buntong-hininga. Hindi niya akalaing sa pagbalik nito ay makadadama siya ng ganoong klaseng excitement. "Let's get back to business."

Saglit na rin lang silang matagal sa study room dahil kinatok na sila ni Aling Maria para mag-dinner.

Kung kaninang tanghali ay Hindi masyadong nakakain si Belle, nabusog naman siya sa nilutong tinolang manok ni Aling Maria sa hapunan.

Bigla kasing nawala ang tila pader na nakaharang sa pagitan nila ni Drake. Was it because of the kiss they shared and the naughtiness of him?

Panay ang sulyap sa kaniya ni Drake habang kumakain sila. Pilit nitong hinuhuli ang mga mata niya. Alam niyang tini-tease siya nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata when he mouthed I love you Koi. Napalingon siya kay Aling Maria na noo'y katatalikod lamang at pumasok sa kusina para kumuha ng juice sa ref.

"I love you Koi!" Anito sa mas malakas na tinig nang wala na si Aling Maria.

Pinamulahan siya ng mga pisngi.

Jusko lord! Help me! Sigaw sa isip niya.

"Stop teasing me, Drake." Nasabi na lang niya.

Itinuon ni Drake ang dalawang siko sa mesa saka ipinatong ang baba sa dalawang kamay nito bago pinakatitigan siya na animo'y lulunukin siya nang buong-buo. "Who's teasing? I meant that."

Pinilit niyang labanan ang damdamin umaalipin sa kaniya. Kung madali siya nitong nakuha noon puwes, mahihirapan ito ngayon.

"Masyado kang obvious, Architect Raiden Xanthus Drake Fabregas. Kung iniisip mo na makaka-score ka sa akin, you're wrong."

Ngumiti ito. "Bet?"

Napataas ang kanang kilay niya. "A-anong... "

"Tonight... you'll be mine." Mahinang sabi nito. "I haven't seen that desire in your eyes, Belle."

_______

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon