Chapter 10

205 12 1
                                    


A/N: short update muna tayo ngayon

Enjoy Reading guys - AG💋

_______

Kalagitna sila sa traffic nang mag tanong siya. " So, H-how's your parents?"

"They're okey. Hindi pa rin maawat sa farming si Inay. Sina Joan at Josh, naka graduate na ng college. Pareho nang nagtatrabaho sa probinsiya."

Nakaramdam siya ng lungkot sa dibdib. Mabait sa kanya ang biyenan maging ang hipag at bayaw niya. "M-matagal ko na silang hindi nakikita."

He glanced at her, pagkuwa'y muling ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho. "Nang umuwi ako galling sa Singapore four months ago, sa probinsiya ako tumuloy. Tinanong ako ni Mama kung hindi raw ba tayo nagkita o nagkausap man lang magmula nang maghiwalay tayo."

Saglit siyang sinulyapan nito bago ito nagpatuloy. "Sabi ko ay hindi... matutuwa si Mama kapag sinabi kong nagkita tayo ngayon."

"H-hindi sila galit sa akin?" Utal niyang tanong.

"They liked you, alam mo 'yan. Noong isama kita sa bahay noon, Tuwang-tuwa si Mama kasi nalahian daw kami ng mestisa. Sigurado raw na magadan o guwapo ang magiging anak natin lalo na kapag nagmana sa iyo ang kulay. Negro ako, mestisa ka. Maganda ang kombinasyon nating dalawa."

Napangiti siya. Hinaplos ang puso niya sa pagbabalik-alaala ni Drake ng mga nakaraan.

"Sayang lang... nawala ang baby natin noon." Muli itong sumulyap sa kanya. Ang kasiyahan sa mga mata nito kanina ay nabahiran ng kalungkutan.

"D-Drake..."

"Sorry. Hindi ko na dapat hinahalukay pa sa baul ang mga nakaraan."

Hindi na rin siya sumagot.

"Maulap... mukhang uulan, ah." Pagbabago nito ng paksa.

Hindi pa rin siya sumagot. She felt there was a lump in her throat.

Ano nga kaya kung hindi sila nagkahiwalay ni Drake?

Kung punayag siya noon na mag-resign at binigyan niya ng pagkakataon ang kanilang pagsasama.

Marahil ay may anak na sila ngayon. Pero hindi siya magiging successful kung sumunod siya sa kagustuhan nito.

_______

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon