Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng magagandang alaala habang nagpiprito ng makakain nila ni Drake.
Bumalik sa alaala niya ang masasayang sandali nila noon."Hmmm... mukhang masarap ang niluluto mo, ah." Mula sa likuran niya ay pumupulot ang matipunong bisig ni Drake sa katawan niya.
Iniharap siya nito at inangkin ang kanyang mga labi. Ang halik ni Drake ay laging may pananabik sa kanya.
Nagpaubaya naman siya. That was their first week of being together us husband and wife.
Nang binitiwan ni Drake ang mga labi niya ay pinanood siya nito. "Mukhang masarap ang niluluto mo, ah."
"Pritong itlog lang kaya ito. Para naman ma iba ang breakfast natin. Ilang araw na tayong coco jam at pandesal." Aniya bago hinarap ang niluluto habang nakayakap pa rin sa likuran niya ni Drake. Panay ang dami ng halik sa batok at leeg niya. She could feel his readiness behind her gayong katatapos lang nila mag solo kanila lang.
"Sawa ka na ba sa pandesal at coco jam?"
"Hindi naman. Naisip ko lang magluto ng itlog at hotdog para matuto na rin akong magluto."
Drake smiled the cupped her face with his two hands."Huwag kang mag-alala, bibili ako ng ibang spread mamaya para maiba naman."
"Hindi naman kaya magka-diabetes na tayo kasi puro matamis 'yang binibili mo?"
"Ngano lang 'yan. Kapag malaki na ang sweldo ko, kahit ano, pwede na nating bilhin."
"Hindi naman ako nagrereklamo, ah!"
"Alam ko." Hinagkan nito ang tungki ng kanyang ilong bago inangkin ang kayang mga labi.
"Belle! Nasusunog na yata ang niluluto mo."
Nagulat si Belle nang marinig ang boses ni Drake mula sa likuran niya.
Shit! Umuusok na nga ang kawali!
"Shit, Gosh! Hotdog lang nasunog ko pa." Gusto niyang batukan ang kaniyang sarili.
"Kung anu-ano yata kasi anh iniisip mo."
Nag-init ang mga pisngi niya. Masasabi ba niya ritong ang nakaraan nila... ang matatamis na halik na pinagsaluhan nila ang iniisip niya kaya nasunog ang niluluto niya?
"Ang mabuti pa, mag-breakfast na lang tayo somewhere. Makakatiis pa naman ako, eh."
"S-sure ka?" God! The beating of her heart was abnormal. Bakit ganoon ang epekto ni Drake sa kanya?
"Of course."
"O-okey. So, shall we go now?"
"Yeah."
"Tapos ka nang makipag-usap sa tinawagan mo?"
"Six minutes to be exact. Not so long kaya huwag mo akong sisingilin nang mahal. And I sent two text message also."
Ngumiti siya. "Don't worry about it. Malaki naman ang kikitain ko sa project ko sa BMG."
Kay gaan ng naging pag-uusap nila ni Drake magmula sa condominium hanggang sa nang mag-almusal sila at hanggang sa nagbibiyahe na sila.
_________
A/N: short UD muna ngayon. Sorry guys hindi mahaba yung UD ngayon kasi sumasakit po yung mata ko. Sana magustuhan ninyo.
BINABASA MO ANG
Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)
RomanceGinawa niya ang lahat ng makakaya niya upang makamit iyon at ibibigay niya ang lahat ng effort niya para sa lalong ikakabuti ng project nila. Subalit tila nawindang ang mundo at plano niya nang matuklasang ang arkitekto ng BMG na makakasama niya sa...