Dumating si Aling Maria para dalhin sila ng meryenda kaya bahagyang nabaling ang atensiyon nila sa pagkain.
Masarap ang mainit-init na ginataang halo-halo.
"Sige, kumain laang kayo. Dumating na si Anton at nagkakatay na ng manok. Magluluto na ako ng pananghalian."
"Salamat ho, Aling Maria." Aniya
Nawili sa pagkain si Drake.
Lihim na nagpasalamat si Belle na mukhang nakalimutan na nito ang pinag-uusapan nila kanina.
Pero inungkat uli ni Drake nang tapos na itong kumain.
"Malungkot sa Singapore noong bagong dating ako roon. Si Ann ang umaliw sa akin. Mabait siya, mapagmahal at maganda."
Tama na... please! Sigaw ng isip at puso niya. Ayaw na niyang pag usapan o marinig pa ang ibang sasabihin nito.
Para siyang sinaksak sa sinasabi nito.
Nagpatuloy si Drake. "I-I wanted to forget you through Ann but... but I couldn't. Sa tuwing kasama ko siya, ikaw pa rin ang iniisip ko."
Parang hinaplos ang puso niya sa sinabi nito. Pero maniniwala ba naman siya agad sa sinasabi nito? Maniniwala ba siya kay Drake?
Pinipilit niyang bale-walain ang nag-uumapaw na kaligayahan sa kanyang puso. "Oh c'mon, Drake. As if maniniwala ako sa iyo."
"Iyon naman ang totoo, Belle. Alam ni Ann ang tungkol sa iyo. Alam niyang hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal ko, ikaw parin ang alam ng puso ko, Belle."
Lalong lumakas ang tibok ng puso niya. "But you're still together. I mean... kayo pa rin?"
Tumitig lang ito sa kanya. Silence meant yes. Shit sobrang sakit sa puso niya.
Her heart sank. Gusto niyang maiyak. Still she was able to control her feeling and emotions.
Ngayong napatunayan niya na may ibang babae sa buhay ni Drake kahit sinabi pa nitong siya pa rin ang mahal nito, malabo nang magkabalikan pa sila.
"L-long distance relationship, Mahirap yata 'yon."
Hindi pa rin ito nagsalita.
Siya uli ang nagtanong. "D-Do you have plans to go back to Singapore or... Si... Si Ann ang uuwi rito sa Pilipinas?" Kinailangan niyang lumunok para mawala ang tila batong nakabara sa lalamunan niya. She was hurting too much for digging facts about the woman.
"She'll stay there until everything is ironed out."
"G-Gaya ng... ng... annulment natin?" Tanong niya pero hindi ito sumagot.
Again, she presumed it meant Yes.
"W-wag kang mag-alala kapag medyo maluwag na ang schedule mo, pwede na nating pag-usapan tungkol sa annulment. You don't have to worry, I'll fully cooperate para mapabilis ang processing." Sabi niya.
"You really wanted to be free, ha?" Sarcastic na tanong ni Drake.
"Ano ka ba, Drake? Bakit ba lagi mong binabaligtad ang usapan? Diba ikaw itong may gusto ng annulment?"
Nagngalit ang mga bangang nito." Fuck! I don't want that, Damn it!"
Natigilan siya. "H-ha?"
Titig na titig ito sa kaniya. "Fuck, I want you back Belle. I want you back," anito. He leaned closer and grabbed her hands. Mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya.
Para siyang biglang binuhusan ng malamig na tubig kasunod ng pagdaloy ng kakaibang sensasyon sa kaibuturan niya.
Iyon ang pinakahihintay niyang marinig mula rito. Pero may hadlang. Paano na ang babaing maiwang sa Singapore?
"Nang makita kita kahapon, nasisisguro ko sa sarili ko na Hindi ko basta pwedeng bale-walain ang nararamdam ko para sa Belle, Hindi ka mawala sa isip at sa puso ko sa loob ng mahigit apat na taon, Gusto kitang mayakap, halikan kahapon Belle. Nang... Nang makita ko kayo ni Axl kahapon, Gusto ko siyang suntukin... bugbugin... Pero alam kong wala akung karapatan gawin yun."
Napuno ng hangin ang dibdib niya sa Hindi inaasahan mga narinig mula kay Drake. "W-Wala kaming relasyon ni Axl he's my bestfriend and Business Partner ko lang siya. He has a girlfriend na kaibigan ko rin."
Nagliwanag ang mukha nito. "Totoo ba yan?" Tanong nito.
"Nang maghiwalay tayo wala akung hinarap kundi puro trabaho lang." Sagot niya. Totoo ang sagot niya wala siyang ibang hinarap kundi ang trabaho.
"Kaya ba suot suot mo parin ang wedding ring natin nang makita kita kahapon?" Tanong nito sa kaniya
Hindi niya nagawang sumagot pero bahagya siyang tumungon.
Mas mahigpit ang pagkakahawak ni Drake ang pagkakapisil sa kamay niya . "Ibig sabihin, Hindi pa huli ang lahat para sa ating dalawa?"
"Sa akin... walang problema. Sa iyo... may masasaktan kang babae."
"Pero alam niya mula't pa na ikaw parin ang laman ng puso ko. Hindi ko inilihim sa kaniya." Tinanggal nito ang pagkakahawak sa kamay nito at inalabas ang kuwintas sa ibabaw ng suot nitong T-shirt. Bumulaga sa kanya ang wedding ring nito na ginamit nitong pendatan. "Hindi ko ito tinanggal sa katawan ko simula noong nag maghiwalay tayo Belle"
Gusto niyang maiyak pero hindi niya pinanaigan ng emosyon . "That won't change a thing, Drake. The fact that you're into a relationship..."
"I can fix it. Believe me, Belle. I can."
"Hindi ganun kadali ang mga bagay-bagay, Drake. Alam mo 'yan"
"Asawa kita"
"Correction Ex- Wife. Matagal na tayong hiwalay, Drake. May Ann ka na umaasang may babalikan mo."
"Alam niyang ikaw pa rin ang mahal ko at hindi siya!"
"Sigurado akong mahal ka niya, Babae rin ako, Drake. I should know how it feels to love." Sabi niya
Naisabunot ni Drake ang mga daliri sa buhok nito. "Anong ibig mong sabihin? Na bale-walain na lang natin ang nararamdaman natin?" Sunod-sunod na tanong ni Drake sa kaniya.
"Let's just focus out job first, Drake. Nagpubta lang tayo para sa trabaho, Hindi ba?" Malumanay ang pag sabi niya.
"Pag-uusapan natin ang tungkol sa atin."
"Hanggang may sabit ka, Imposible ang mga sinasabi mo."
"Kasal tayo, Wala siyang nagagawa."
"Ilang beses ba sasabihin sayo na hiwalay na tayo, Drake!" Sigaw niya ilang sandali pa ay tumayo na siya dahil nag-init na ang sulok ng mga niya sa pagbabadya ng mga luha niya. "Excuse me. May kumuha lang ako sa kuwarto ko."
_______
Its_AudreyBelle11 | AG💋
BINABASA MO ANG
Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)
RomanceGinawa niya ang lahat ng makakaya niya upang makamit iyon at ibibigay niya ang lahat ng effort niya para sa lalong ikakabuti ng project nila. Subalit tila nawindang ang mundo at plano niya nang matuklasang ang arkitekto ng BMG na makakasama niya sa...