Chapter 14

225 11 3
                                    

Napahugot siya ng buntong-hininga. "Noong una kitang isinama rito, para kang sinisilaban, ano't ngayon ay gustong-gusto mong mag stay dito? Dahil ba wala sila Mommy and Daddy?" Nagawa niyang itanong.

"Kahit narito sila, gugustuhing ko nang tumigil dto. Siguro gago nga lang ako noon na hindi ko nalaman ang pag inisip ko. Masyado akung maprinsipyong tao at hindi ko naisip na kung tinanggap ko ang alok mo sa akin noon na pag-aralin mo ako

Hindi sana tayo nagkahiwalay. Masyado akung insecure noon. Mayaman ka. Mahirap lang ako. Nang kinausap ako ng daddy mo na gusto niyang bigyan tayo ng parang pagsisimula natin pero hindi ko iyong tinanggap dahil iniisip kung minamaliit niya ang pagkatao ko."

Ikiniling niya ang kaniyang ulo. "What's your point in bringing up all those?"

"Acceptance, Belle. Tinanggap ko na ako ang nagkamali at hindi ikaw."

Napalunok siya sa sinabi nito.

"Hindi pa huli ang lahat, Belle. Ngayong may ipagmamalaki na rin ako kahit papaano sa magulang mo, pwede ko na silang harapin na Hindi ko ikinahihiya ang sarili ko." Lintya ng binata.

God gusto niyang maiyak sa sinabi nito.

Biglang nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. "Hindi kasindali ang mga sinasabi mo, Drake. Remember, you are committed."

"Ilang beses ko bang sinabi na aayusin ko mag tungkol kay Ann?"

"Hindi ko pa man nakikita o makakausap nang personal, I can sense from the way she's not type who will give up easily."

"I know." Sagot nito

"Then that would be a problem."

"Hindi magiging problema kung magagawa mo akung ipaglaban sa kaniya, Belle."

"I-I don't know, Drake. Babae rin ako. I would be painful on the part of the woman na basta basta mo lang siya iitsapwera."

"I just want to her assurance from you?"

"Assurance Saan?" Takang tanong nito

"Na ipaglaban mo ako kay Ann!"

"Sinabi ko na sayo na ayoko munang haluan ng kung ano ang trabaho natin ngayon. Just do what you have to do." Sabi niya.

Umaliwalas ang mukha nito. "We'll stay for the night?"

She took a deep breath. "Okey."

"Good."

"But... let me clear something..."

"Ano yun?" Tanong nito

"You will have a separate room."

"O-of course."

"Mabuti na ang nagkakaliwanagan."

"Gentleman naman Ako, ah. Alam mo yon. And I'll keep my word kahit na..." ibinitin nito ang sasabihin.

She was beginning to blush. "Kahit na Ano?"

"Kahit na unang kita ko pa lang uli sa iyo, gustong gusto me kitang yakapin, halikan... angkinin."

Pakiramdam ni Belle ay biglang nagliliyab ang kaniyang mukha. "Don't you ever ever say that again."

"You're blushing. Hindi ka pa rin nagbabago. You always blush when I say word that are... "

"Stop! Please Stop!" Nagtapang-tapangan siya. "If you won't stop talking dirty. We won't stay for to night."

Tumawa ito nang malakas. "All right. Sorry."


_________

A/N: Opsss diyan lang muna hihihi short update muna tayo ngayon kasi masakit yung mata ko ngayon. Promise ko sa inyo sa next update ko Hindi na short update😁 and DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW.

Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon