PARANG biglang kumulog at kumidlat sa paligid ni Belle. Oh My God! Si... Si Drake nga ang tinutukoy na arkitekto! Nanuyo ang kanyang lalamunan.
Pakiramdam niya ay biglang nanlamig at nanginig ang buong katawan niya. She paled. Parang gusto na niyang tumakbo palabas sa opisina.
Gusto sana niyang umurong pero karuwagan kung gagawin niya iyon. Isa pa, nabuksan na ni Engineer Reyes ang pinto ng opisina nito.
He instantly saw Drake sitting in the guest chair in front of the executive table of Engineer Reyes.
Kitang-kita ni Belle ang pagkabigla ni Drake nang makita siya nitong pumasok.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa guest chair.
Kahit pa Kaibigan ng papa niya si Engineer Reyes ay hindi nito alam na naging asawa niya si Drake.
Their marriage was discreet so was their separation. And she never used her married name in her transaction.
Hindi din niya nagawang magpalit ng apelyido at ang kanyang status sa kanyang papeles hanggang maghiwalay sila ni Drake.
Bigla niyang naalala ang kanyang singsing! Agad na isinuksok niya sa bulsa ng suot niyang blazer ang kanyang kanan kamay niya.
Hindi pwedeng makita ni Drake na suot suot pa rin niya iyon.
"Hi, Architect Fabregas." Bati ni Engineer Reyes dito kasunod ang mahigpit na pakikipagkamay nito.
Nabaling ang atensiyon ni Drake kay Engineer Reyes. "Good morning Engineer Reyes. Sorry I was late. Alam kong dapat ay kasama ako sa meeting ninyo kanina. It just so happened that an emergency came up." anito.
Tinapik ni Engineer Reyes ang balikat nito.
"It's alright. Kaya nga pinaghihintay ko si Belle para makapag usap kayo about sa project" he said "Oh, by the way, hindi pa nga pala kayo magkilala." dagdag nito
"We know each other, Engineer Reyes." Pakli ni Drake. Matalim ang pagkakatitig nito sa kanya.
"Really? Magkakilala na kayo?" Engineer Reyes asked Drake's jaw tightened. Napayuko siya dahil hindi niya makayanan ang matalim na tingin nito sa kanya.
"I never thought i would see her." Iminuwestra ni Engineer Reyes na maupo sila sa guest chair.
Naunang umupo si Drake sa dati niya kinauupuan niya bago suya umupo sa tapat nito.
Pakiramdam niya ay nangangalog ang kanyang nga tuhod. She didn't expect to see him now.
Yes, she longed to see him, talk to him, and settle things one and for all.
Pero hindi niya inaasahan na ganoon ang mararamdaman niyabsa muli nitong pagkikita at pagtatagpo.
She never realized that his presence alone could give her the sensation he used to give her.
Dahil mahaba ang binti ng binata ay halos dumikit ang mga tuhod nila. She was wearing skirt.
Pakiramdam niya ay tumatagos ang init na balat nito bagay na nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa kaibuturan niya.
"Hindi ko ba nabanggit sayo na ang Alpha Group ang nanalo sa bidding para gumawa ng mga promotions and advertisements ng Theme Park."basag ni Engineer Reyes sa katahimikan.
"You did, Sir, but i had no idea that she's connected to Alpha Group." Tugon ni Drake sa kanya pa rin ang tingin nito.
"She's not only connected with Alpha Group. She's the owner of the advertising agency." Sagot ni Engineer Reyes.
Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa nga labi ni Drake. "So... natupad na rin pala ang pangarap mo." He spoke with sarcams as he was looking at her directly in the eyes.
BINABASA MO ANG
Una't Huling Pag ibig (COMPLETED)
RomanceGinawa niya ang lahat ng makakaya niya upang makamit iyon at ibibigay niya ang lahat ng effort niya para sa lalong ikakabuti ng project nila. Subalit tila nawindang ang mundo at plano niya nang matuklasang ang arkitekto ng BMG na makakasama niya sa...