Nakalabas na ako sa ospital at hanggang ngayon nasa tabi ko padin siya. And I’m contented with that. Ngayon hawak ko yung kamay niya habang nanunuod ng tv, hindi na siya naiinis, hindi na niya binabawi yung kamay niya.
“Kelan mo ba ako gugustuhin?” Tanong ko sakaniya habang nilalaro ko yung kamay niya. Lumingon siya sakin.
“Kulit-kulit mo” Nakangiting sabi niya, hinalikan ko yung kamay niya.
“Eto naman mahal ka lang” nakangiting sagot ko sakaniya. Tumingin siya sakin.
“Hindi kaba nagsasawa Clyde?” Takang tanong ko sakaniya.
“Saan?”
“Sa kasasabi mong mahal mo ako” Bahagya siyang ngumiti. Pakiramdam ko nanalo ako sa lottong ngiting yon.
“Hindi bakit naman ako magsasawa?” Takang tanong ko. Pero bahagyang lumungkot yung mata niya.
“Kase wala kang nakukuhang sagot sakin” Deep inside oo medyo masakit kasi walang kapalit yung pagmamahal ko, Para akong nagbigay ng buong pera sa jeep na walang binibigay na sukli.
“Malungkot, pero kaya ko pa naman maghintay sa sagot mo” Nakangiting sabi ko. Tumango lang siya at itinuon ulit ang pangingin sa Tv. Masaya naman ako na ganito kami, tinatanggap niya na yung pagmamahal ko masaya na ako don. Kahit na mas gusto ko na mahalin niya din ako.
Xx