Dear Clyde, Day12
Natawa ako sa reaksyon mo dito clyde, alam mo yung parang hindi ka makapaniwalang mahal din kita? Kainis ka, bakit mo ba naisip na hindi kita pwedeng mahalin? Eh ang bait-bait mo, ang gwapo pa, ang sipag pa. Every inch of you clyde lahat yan mahal ko, hanggang sa flaws mo. At nung sinasabi ko ang magic word, I felt the pain again pero bearable naman, makita ko ba naman na masaya ka, yung ngiti mo sa labi mo hindi na mabura alam mo yun it worth everything clyde, kahit buhay ko pa. Ang saya-saya ko clyde kasi finally tayo na, akin kana. Hindi ka na nila pwedeng kunin sakin kasi sakin ka, alam mo ba kapag anghel ka, bawal maging maramot pero kapag sayo yung usapan nakakalimutan kong anghel ako, at ito yung time na tinanong mo ako clyde kung hihintayin kita kapag umalis ka, umiling ako, dahil hindi na kita mahihintay, na kahit gusto ko maghintay sayo, maghintay sa pagbabalik mo hindi na pwede, dahil kapag umalis yun nadin ang time na paakyat ako sa langit. Pero alam mo clyde kahit na malapit na tayong maghiwalay, lagi ko iniisip na sa langit mababantayan kita, kahit na mamiss ko yung ngiti mo, yung tawa mo, yung pagsasabi mo sakin ng I love you, mamiss ko yung buong ikaw clyde dahil alam ko wala ng katulad mo nagiisa ka lang. Tinanong mo ako diba? Tinanong mo kung pwede akong bumalik sayo, gusto ko bumalik sayo clyde, gusto bumuo ng happyending na kasama mo, gusto ko ikaw at ako parin. Pero hindi naman yung gusto ko yung masusunod, yung gusto ni lord kasi siya yung may hawak ng buhay ko at ng buhay mo clyde, kaya magkabait ka, baka sakali maramdaman ni lord na para sakin ka talaga, Malay mo gawin niya akong tao, para sayo, para mahalin kita habang buhay, naniniwala ako na hindi ka para sa iba, dahil para sakin ka. I love you Clyde to the earth and back.
Love, Keanne