Dear Clyde, Day10
Tumawag ka sakin, para kang baliw, kinikilig naman ako. Tama sila lahat ng bawal masarap, parang yung satin bawal kitang mahalin pero masarap kang mahalin, at tama din sila lahat ng sobra ay bawal. Dahil ngayon kausap kita nararamdaman ko ang unti-unting pagkalagas nanaman ng feathers ko. Hay clyde, Kaya imbis na magmukmok ako sa buhay, pinunatahan na lang kita sa shop mo. Pero hindi ako natuwa sa nakita ko, kausap mo yung babaeng may gusto sayo, kayakap mo pa siya, ang sakit-sakit ng heart ko clyde, kasama din ba’to kapag nagmahal ka? Hindi ko alam yung gagawin ko, pero nung mapansin mong nandun ako agad mo akong hinabol, pero tumakbo ako, gusto ko sanang lumipad at iwanan ka pero hindi ko nagawa ang sakit na nga ng puso ko pero mahal padin kita. Naabutan mo ako na umiiyak sa isang sulok at hindi ko alam yung gagawin ko. Niyakap mo ako ng mahigpit clyde at kahit konti alam kong nabawasan yung sakit. Tinanong kita kung nararamdaman mo din ito ang sabi mo sakin oo, nung nakita mo si Xian, siguro ang sakit-sakit din ng heart mo nun, kaya nagsorry ako sayo. At sinabihan mo ako ng I love you ang sinagot ko sayo I almost there, na totoo naman, matagal na nga kitang mahal eh, pero parang magic ang lahat clyde nung naramdaman ko yung labi mo sa labi ko. Its felts something in my heart, ang lakas-lakas ng kabog ng puso ko, pakiramdam ko gusto lumabas ng pakpak ko, I know lumabas siya pero hindi mo nakita kasi that time nakapikit ka, ang saya-saya pala ng ganon no. At clyde gusto ko sabihin na ang sarap ng halik mo, pagkatapos ng halikan natin, hinalikan mo naman ako sa pisngi, kainis ka kinilig tuloy ako, kapag talaga kaharap kita wala ako masabi naiispeechless ako, at ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad kay lord dahil mahal kita, dahil kita alam ko na pangapat na batas na ang babalikan ko para sayo, gagawin ko na,binabali ko ang pangpapat na batas ng mga anghel makasama ka lang. Sorry lord, alam ko naman nababasa mo din ito, sorry kung mahal ko siya. At sorry clyde kung mawawala man ako, pero tandaan mo mawala man ako, mahal padin kita hindi magbabago yun. Ngayon ko naramdaman ko yung pain pero pilit kong binabaliwala yun dahil mas gusto maramdaman ang pagmamahal mo sakin Clyde, At habang natutulog ka paulit-ulit kong sinasabi sayo ang salitang mahal din kita.
Love, Keanne