Letter #4

687 13 0
                                    

Dear Clyde,                                                                                     Day4

Hinawakan ko yung balikat mo, pero lumayo ka na para bang napapaso sakin, bakit clyde? Ayaw mo naba ako makasama? Yun yung naisip ko nun, umiwas ka na kahit kailan hindi mo ginawa, hindi ko alam kung dahil ba sa pagkaipit mo kaya mo ginawa yun oh ayaw mo lang talaga nahawakan kita. Nasaktan ako nun clyde, lalo na nung pinagluto kita, naghanda ako, nagayos ako, pero hindi ka dumating clyde, naghintay ako, hintay kita pero hindi kita nakita, gusto ko sana umkayat sa langit nun clyde para makita kita, kaya lang pinagalitan ako ni St. Peter sabi niya tumigil ako, dahil hindi talaga pwede yung nararamdaman ko, pero clyde hindi ko alam kung paano tumigil, kaya imbis na umkayat ako sa langit naghintay ako sa bahay mo, pero gutom na ako at lahat-lahat, lumamig na yung pagkain, natuyo na yung buhok ko, wala ka padin, umupo na lang ako sa isang sulok nun at nagdasal na sana maayos ka, na sana okay ka lang, na sana walang masamang mangyari sayo. Baka kasi hindi ko kayanin, pero dumating ka at nakahinga ako ng maluwag, kahit na may konting kirot sa puso ko dahil hindi mo ako naalala, pero ayos lang basta ang mahalaga ayos ka, nagpaalam ako sayo dahil ayoko makita mo na malulungkot ako, sa harap mo isa akon bato, walang pakiramdam, pero sa totoo lang kapag nagiisa na ako umiiyak ako, dun ko narealize na hindi pala masarap magmahal masakit pala. Gusto ko sana iwanan ka nung oras na yun at umakyat sa langit pero hindi ko ginawa, ayoko kasi iiwan kita. At ayoko na iiwanan kita, at nung gabing yon tinawag mo akong baby, gusto ngumiti pero hindi ko magawa, hindi pwede, kaya ipinagpatuloy ko na lang yung pambabalewala ko pero sa totoo lang kahit na nakauwi kana, kahit na nakikita na kita, kahit alam kong okay kana, gusto padin kita tanungin kung okay ka lang. Kasi alang-ala ako nung naipit ka, lalo na nung late kanang umuwi, narinig ko yung pagsabi mo ng goodnight gusto ko sana sumagot ng goodnight din kaya lang baka lalo mo akong kulitin, baka lalo ko masabi sayo yung feelings ko at hindi pwede yun, kaya nung nakatulog ka, agad akong pumasok sa kwarto mo, ninakawakan kita ng halik clyde, at naramdaman ko nanaman yung pagtanggal ng ikaapat na feather ko. It hurts but I can handle the pain Clyde, ganon kita kamahal, kahit masaktan ako okay lang basta ako mananatiling mahal ka. I love you Clyde.

                                                                                   Love, Keanne

Living with my Angel(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon