Tinitigan ko siya, maama mo ang mukha niya, yung ganda niya kakaiba, parang kapag binihisan mo siya ng bihis mayaman magmumukha siyang diyosa, Iba kasi yung ganda niya yung unang tingin, panglawang tingin, pangatlong tingin maganda padin. Hindi kagaya sa karaniwang babae na kapag tinignan mo ng dalawang beses nakakasawa na.
“Ang ganda-ganda mo baby” Nakangiti kong sabi hanggang tinitigan ko siya. Hinding-hindi ako magsasawa na titigan yung magandang mukha niya. Dahan-dahan siyang nagmulat.
“Clyde” Ngumiti ako.
“Goodmorning baby, nagugutom kanaba?” Tumingin siya sa labas ng bintana.
“Sorry, dahil sakin hindi ka nakapasok sa trabaho” Hinging paumanhin niya, umiling lang ako.
“Hindi naman malulugi yun baby dahil hindi ako pumasok ng isang araw” Hinawakan ko yung kamay niya, nagulat ako ng bigla niya ako yakapin. Napangiti ako.
“Clyde, wag ka magbabago ha?” Tumango ako habang hinihimas ko yung likod niya.“Oo naman baby” Ngumiti siya sakin nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi.
“Thankyou sa pag-aalaga Clyde” Tumayo siya at pumasok sa banyo. Napasigaw ako ng malakas na yes. Konti na lang alam kong nahuhulog na siya.
Xx
Ngiting-ngiti ako habang nagaayos ng lamesa. May morning kiss ako galing sakaniya. Simpleng bagay lang napapasaya niya ako. Ano kaya kung maglibot kami? Pero baka hindi pa siya okay.
“Kea” Bumaba siya sa kwarto, simple lang ang suot niya bakit ang ganda niya.