Hindi ko na alam kung anong nangyari, pero para atang nakasanayan ko na sabihin sakaniyang mahal ko siya. Hindi lang sobra kundi sobra-sobra. Siguro kung pwede lang magsalita ang puso ko. Siguro sumigaw na siya kay Kea na mahalin mo rin ako. Pero wala eh. Hindi padin. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko naman na wala namang pumoporma sakaniya kundi yari sila sakin.
Tuwing magkasama kami ni Kea, hindi ko alam kung paano itatago yung ngiti ko at pagiging masayahin ko kapag kasama ko siya, Yung simpleng tingin niya para akong yelong natutunaw. Hay mas mahal ko siya kesa kay Garlic kasi mas sobra yung naramdaman ko kesa sakaniya.
Kahit na wala siyang sinasabi, kahit hindi niya masuklian yung pamamahal ko ayos lang basta gusto ko nandito siya, nasa tabi ko. Masaya na ako doon.
“Hay nako sir clyde sana ako na lang iniisp mo” Napangiti ako ng mapatingin ako kay Sai.
“Sorry baby, alam mo naman” Natatwa kong sagot ko.
“Sir ako na lang I give you everything” Biro niya sakin.
“But she’s my everything sai” Nakangising sabi ko, bigla naman siyang nagtatalon na parang nangingisay. Kinikilig ba yung ganon? Haha
“Omy gosh sir clyde! Bulag ba yang mahal mo bakit hindi ka niya makita?” Nakangiting sabi niya sakin.
“Siguro sai, pero I hope one day she can see me, that I can love her and I can giver everything that she want” Nakangiting sabi ko.
“Sana. . sana sir makita ka niya, you deserve to be love sir, mabait ka, gwapo, matalino, masipag swerte na niya sayo” Nakangising sabi niya.