Letter #8

695 11 0
                                    

Dear Clyde,                                                                                              Day8

Masaya ako dahil finally, nakalabas kana sa ospital, dun lang ako sa tabi mo hanggang gumaling ka, aalagaan kita. At nagkaroon nanaman tayo ng heart to heart dalawa, tinanong kita kung bakit hindi ka nagsasawa na pagsabi sakin na mahal mo ako. Ako nga nagsasawa eh, nagsasawa na ako palaging nirereject yung pagmamahal mo, gusto ko nadin sabihin sayo na mahal kita din kita, sobrang mahal kita. But again hindi pwede. Gusto ko nadin tuloy magmukmok kasi alam ko nalulungkot tuwing wala akong sagot sa sinasabi mo. Nakakainis gusto ko din sabihin sayo na sobra na din kitang mahal. Kaya lang bawal nga, pinaghanda kita ng umagahan mo, at alam mo masaya ako na nakikita kitang nakangiti, lalo na kapag sinasabi mo na mahal mo ako, hindi ko alam na masarap sa feeling na sinasabihan ng mahal kita, natutuwa yung puso ko clyde, at pilyo ka eh akala ko may nakalimutan ka, pero niyakap mo lang ako at hinalikan sa noo, gusto ko sana sa labi eh, kaya lang bawal naman baka wala na akong pakpak sa susunod. Nang makapaglinis na ako sa bahay natin, naisipan kang gawan ng lunch, kasi hindi ka ata nakapagumagahan eh. Kaya habang papasok nadin ako sa trabaho ko which its true, dumaan na ako sa shop mo. Para dalan ka ng baon, natuwa ako ng makita kang masaya, pero para ka namang baliw nung sinasabi ko na aalis ako, natuwa ako sa nakikita kong expression sa mukha mo, para kasing mahal na mahal mo’ko. Hay nako clyde wala na talaga tingin ko hanggang mabuhay ako ulit dala-dala ko yung pagmamahal ko sayo. Pero naghiwalay tayo, masaya naman na kasama ko si Xian, pero mas masaya kung ikaw yung kasama ko, at alam mo ang sarap ng cake mo, gawa sa pagmamahal hugis puso mo. Clyde. Clyde. Clyde. At saktong uwian na, tuwang-tuwa ako namiss kita, gusto na kita makita kaya lang inabutan ako ng malakas na ulan, at nalagas yung isang feather ko ulit, I lost my 8th feathers, dahil siguro hindi ko kayang pigilan yung nararamdaman ko sayo, alam kong inalagaan mo ako clyde, at naguumapaw yung saya sa puso ko, salamat ang sarap mo mag-alaga at magmahal. Pero naalala ko yung babae sa shop mo, sinabi ko na sayo na gusto ka niya, pero sinabi mo sakin na ako lang yung mahal mo. Hindi mo alam clyde kung gaano ako kasaya, kung gaano kita kamahal. At alam mo konting-konti na lang nararamdaman ko na malapit narin akong umamin sayo, hintayin mo ako clyde ha? I love you.

                                                                                          Love, Keanne

Living with my Angel(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon