Dear Clyde, Day6
Alam mo lagi mo ng sinasabi sakin na mahal mo’ko. At kung alam mo lang clyde kung gaano ang pagpigil ko sa sarili ko dahil baka sa tuwing sinasabi mo sakin na mahal mo’ko sasagutin na kita ng I love you ko. Pag pala lalo mong pinipigil lalong lumalala, at ayun kahit hindi ko masabi sayo ng personal, kapag kaharap kita, kapag kasama kita, kapag nakikita kita. Sinasabi ko naman sayo yung I love you ko kapag tulog kana, I sneak out with your room just to tell how much im inlove with you. At naghiwalay tayo kasi may work at ako din (kunwari) Habang nasa trabaho ka, naglalakad-lakad lang ako sa park, pero grabe ka, hindi na nga kita nakikita, pero ikaw padin ang naiisip ko at alam mo may natagpuan akong kaibigan, binigyan niya ako ng trabaho at nagkaroon na ako ng trbaho na totoo. Siya si Xian yung nagmura ka non ilang beses clyde, at ilang beses ko tinatakpan yung bibig mo dun ko lang nakita na iba ka pala kapag nagagalit, yan pala yung other side mo, pero alam mo kahit ganon ka, hindi padin nabawasan yung pagkagusto o pagmamahal ko sayo. 100 percent siya, buong-buo. Tapos nagusap tayo nagagalit ka kay Xian at hindi ko alam kung bakit wala naman siyang ginawang masama sayo o kaya sakin, sinasabi mo na inaagaw niya ako sayo, paano naman? Eh ikaw nga yung mahal ko diba? Pero hindi ko naman pwede sabihin na mahal kita, kasi ilang batas na ang binabali ko para sayo. Kaya yung feelings ko itatago ko na lang at pilit kong dedemahin yung sayo. Nung nakitang malungkot dahil sakin, nasaktan ako, alam ko kasalanan ko, sinasabi ko sayo na hindi tayo pwede, kasi hindi naman talaga pwede, baka kapag sinasabi ko lang sayo na mahal kita, lalo kang pahirapan, dahil hindi naman ako magtatagal sa tabi mo, dahil tapos na yung assignment ko, kailangan ko ng bumalik sa langit. At sa langit dun na lang kita mamahalin ng sobra, pero dito sa lupa hindi, Hindi ko masabi sayo na parehas na tayo ng nararamdaman, na bago mo pa ako mahalin ay mahal na kita. Pero clyde diba action is speaks louder than voice? Dapat alam mo na yun, dapat naramdaman mo nadin na mahal din kita. Pero nung gabing yon umalis ka, naghintay ako, naghintay pero umaga na ata wala ka pa. Hanggang sa nakatulog ako, at iniisip padin kita. Sorry clyde kung hindi ko masabi sayo, pero mahal kita sobra
Love, Keanne