Letter #13

1K 17 0
                                    

Dear Clyde,                                                                              Day13

Ito ang araw na ibinigay ko yung sarili ko sayo, wala akong pinagsisihan clyde, kasi alam ko na dapat ibigay ko ang kung ano dapat talaga para sayo, sobra mahal kita at aminin ko man natatakot ako na iwanan ka, baka kasi makalimutan mo ako, pero lagi ko naiisip na yung buhay ko sa mundo panandalian lang kailangan mong makahanap ng babaeng mamahalin mo talaga, yung hindi ka iiwan, yung walang binabaling batas dahil mahal ka, at nahiling ko din na sana ako na lang yung babaeng yun, na sana ako yung makasama mo sa future, pero malabo eh. At ito yung time na halos makita na kitang umiiyak na, nagtaka ako nung una pero nung niyakap mo ako ramdam ko yung takot mo na mawala ako, clyde ganon din yung nararamdaman ko kapag naiisip ko na malapit na kitang iwan, takot din ako, pero kailangan ko gawin yun, kailangan kita iwan, kahit mahal pa kita. At ito yung sinabi mo na sakin na hahanapin mo ako na touch ako ng sobra clyde, kasi ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo, naguumapaw, sobra-sobra. Sinabi ko sayo na kapag nawala ako, pwede mo ako palitan o kaya naman magmahal ka ng iba, pero meant to nga ata talaga tayo kung ano ang kinatigas ng ulo ko ganon din ang sayo, ayaw mo kasi sabi mo ako lang talaga, alam mo clyde gusto ko din ikaw lang talaga, gusto ko din na ako lang ang mamahalin mo, pero hindi kase eh. Alam ko sa pagalis ko, makakalimutan mo din ako, magmamahal kadin ng iba, pero kahit masakit sakit yun basta gusto ko masaya ka. Naalala mo nasa mall tayo nun clyde, sumakit yung paa ko naglakad ako ng nakapaa, nung una hinayaan mo ako, pero nung may mga nanglalait na sakin, naiinis kana, nagulat ako sa ginawa mo, nagpaa ka din at naglakad kasama ko, nun lang ako na nakakita ng lalaking gagawin yun, you make the impossible, possible clyde, at alam ko ng araw din na yon malapit na ako mawala. At diba nagpunta pa tayo sa seaside sabi mo pa nga parang araw ako, ganon kadin sakin clyde, kaya lang buwan ka naman alam kong bakit ikaw ang moon ko? Kasi ikaw ang nagbibigay liwanag kapag madilim na ang mundo ko. Mahal kita clyde ko. Mahal na mahal kita

 

                                                                                  Love, Keanne

Living with my Angel(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon