Chapter 23
Tinanggap ng buo si Isaiah ng kanyang pamilya at labis na ikinatuwa ito ng dalaga. Nang malaman ng kanyang mga kaibigan ang tungkol sa isyu ay nagmamadali ang dalawang bisitahin at kausapin ng masinsinan si Isaiah.
Natatakot sila na baka may gawin na naman itong hindi maganda sa sarili nito. Sobra silang nag-aalala sa kalagayan ng kaibigan.
Dalawang araw ang nakalipas, nagsimula nang mapansin ni Isaiah ang mga oras na masaya siya sa harapan ng pamilya at malungkot sa loob ng kwarto.
Gusto niyang magmukmok sa kahihiyan. Nahihiya narin siyang lumabas ng bahay at mag-open ng account niya sa facebook.
"Putang ina."
Bulong nito sa hangin habang nakahiga ito sa kama at nakatitig lang sa kisame.
"Makapal naman ang mukha ko, bakit pa ako mahihiya?"
Inis na inis niyang iniisip ang mga nangyayari at naghahanap ng dahilan upang lumakas ang loob harapin ang mga taong nasa labas ng bahay nila.
"Ano naman kung nakita nila? Nagbago ako! Lahat!"
Isaiah clenched her fists and gritted her teeth in frustration.
"Binago ko ang sarili ko! Bumait ng light! Medyo malaki na dede ko at hindi na ako gumagawa ng kakatihan! Hindi na rin ako nagkakajowa! Wala ngang dumidilig sa akin!"
Matapos niyang ilabas lahat ng hinanakit niya, napatigil siya ng ilang sandali.
Realization hits her hard.
Tumulo ang kanyang mabibigat na luhang pinipigilan niya kapag kaharap ang mga mahal niya sa buhay.
"Deserve ko ba lahat ng sakit at pait na nararamdaman ko?"
May mga sandaling masasabi niyang ayos pa ba siya? Normal lang ba ang maging masaya siya habang pinaguusapan ang katawan niya? Sometimes Isaiah overthinks a lot at midnight. Hindi makatulog. Kaya minsan gumigising nalang siya ng alas dyes ng umaga at nalilipasan siya ng gutom.
"Isaiah! May bisita ka!"
Dinig ng dalaga ang boses ng kapatid sa labas ng kanyang kwarto. Naisip niya agad sina Marjane at Venson kaya nagmamadali siyang tumayo at pinunas ang mga luha sa kanyang pisngi.
Everything will be alright.
Lumabas na siya ng kwarto. Walang ligo at magulo pa ang kanyang buhok. Wala siyang pakialam dahil ilang beses narin naman siya nakitang hindi nag-aayos kapag nasa bahay lang ito.
Nang makapunta na siya sa sala, naguluhan at kinabahan si Isaiah nang makita ang isang pamilyar na likuran. Hindi siya magkandaugaga kung tama ba siya ng hinala. Naestatuwa si Isaiah nang humarap ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga paningin sa isa't isa.
"A-Anong ginagawa mo rito? Gusto mo bang katayin ka ng buhay ng pamilya ko?"
Hindi siya nagkamali ng akala.
"Ryle," mariin na wika ni Isaiah, pinipigilan ang sariling magwala.
Ryle was her first love.
BINABASA MO ANG
Glimpse of an Aching Heart (Novelette)
General FictionThe creepiest Isaiah Castillo's had ever experienced was dreaming of a stranger jumping off a building. She had the same strange emotions every time she met Aubren in an unexpected time and place. Isaiah convinced herself and thought that destiny wa...