Chapter 1

341 4 0
                                    

Chapter 1

Damn it, I don't know what to do!

Naging triple ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa matinding pangangambang nasasaksihan ko. Kulang nalang ay mawalan ako ng lakas. Nakasarado ang aking paningin sa isang lalaking nakatayo sa tuktok ng gusali at tanging nakatitig lamang ako sa kanya. Natatakot ako na mawala siya. Pakiramdam ko matatanggalan ako ng karapatan upang mabuhay kapag nawala ang taong ito. Umiiyak ako at nanlulumo. 

Hindi ko alam kung normal pa ba itong nararamdaman ko. Kinikilabutan ako sa takot at kaba na maaaring gawin ng estrangherong lalaki na kung saan nakatingin lang ito ng mapayapa sa magandang tanawin. Hindi man lang ito tinatablan ng takot. 

Punyemas! Maling galaw lang niya ay pwede siyang mahulog sa ibaba!

Nasa pitong palapag ito ng gusali ngunit wala lang ito sa kanya. Habang ako ay hindi maalis-alis ang aking paa sa kinatatayuan ko, hindi magkandaugaga sa panonood sa kanya. Gusto ko siyang puntahan at pigilan sapagkat wala akong lakas upang humakbang patungo sa estrangherong ito. Umaalingawngaw ng sigawan mula sa mga tao dahilan upang lumambot ang aking tuhod. 

Nanlaki ang aking mga mata sa kasunod ng pangyayari. Nagulat nalang ako ng hindi man lang ito nagdalawang-isip humakbang. . . at sinadyang tumalon sa pitong palapag ng gusali.

T-This can't be!

Bumagal ang pag-ikot ng mundo ko. Wala akong ginawa kun'di ang panoorin ito at sa hindi malaman na dahilan, naging konektado ako sa emosyon niya. Nangilabot ako sa aking naramdaman at nalaman.

Madilim. Puot. Lungkot. Pagdurusa. Walang buhay. Walang pag-asa.

Nakatayo lang ako habang nanonood ang pagbagsak ng lalaki sa gusali na animo parang bumagal ang pag-ikot ng oras. Bumilis ang tibok ng aking dibdib habang nakatitig sa lalaking parang lumutang sa ere. Nanginginig ang lahat ng katawan ko dahil sa biglaang pagdating ng malakas na hangin.

Bumabalot sa akin ang kadiliman. Ni hindi ko makita ang mukha niya at kahit man lang mahawakan siya. Maraming tanong ang nabuo sa utak ko, kung sino ba siya at anong dahilan niya para magpakamatay? Bakit ganoon siya kalungkot? Bakit pakiramdam ko matindi ang pinagdadaanan niya?

"Isaiah!"

Bumalik ako sa huwisyo nang sumulpot sa gilid ko si Marjane. Ang best-friend ko simula nong naging kaklase ko siya nong high school pa lang kami.

"Bakit ang lalim ng iniisip mo? Kanina ka pang tulala mula nong pumunta ako sa bahay niyo! Lutang ka ata? May problema ka ba?!" tanong nito habang pinag-aaralan ang reaksyon ko.

I automatically shook my head and look away. "It's just something you don't have to worry about."

Someone died in my dream and it creeps the hell out of me!

Kumunot ang kanyang noo at hindi kumbinsido sa sinagot ko. "Seriously, Isaiah Castillo?"

Ayan na naman siya na para bang wala siyang panahon upang makipaglokohan at plastikan sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin! Nangungulit na naman ba ang ex mong jejemon at manyakis?!"

Umiwas ako sa mga mata niyang nangangahulugan at nagdududa.

"Hindi naman niya ako kinukulit at tama ka, manyakis nga siya." 

Nang sabihin ko iyon sa kanya, nasilayan kong umasim ang kanyang mukha at tila bang natatawa rin siya sa pagsang-ayon ko.

Dumapo ang palad niya sa aking braso. She still look unconvinced so I act like as if it was really nothing. Tinalikuran ko nalang siya at pinagmasdan ang kagandahan ng buong resort.

Glimpse of an Aching Heart (Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon