Chapter 11
Napalunok ako ng laway habang pareho kaming nagkatitigan ng ilang segundo sa isa't isa. Mabilis kaming napaiwas ng tingin at para bang parehas kaming napaso sa mga tingin na iyon.
Mahigit isang minutong katahimikan ang nanaig sa aming dalawa. At hanggang sa hindi ko na nakayanan ang katahimikan saka nagsalita na ako sa kanya.
"Don't turn off your phone, I will text you right away."
Bahagya itong tumingin sa akin at tumango ibilang sagot saka sinabing, "I will stay here, I will wait for you."
Iyon na ang huli niyang sinabi bago ako umalis doon sa pinaghihintayan niya sa akin. Nang makarating na ako sa bahay, agad akong inalok nina Glare na kumain kasabay nila.
Tumango ako sa kanila at sinabing magbibihis lang ako. Mabilis lang din akong nagpalit ng suot at sumabay sa kanilang kumain.
Tinatanong nila ako ng okay lang ba ang pagaaral at araw ko ngayon. Umamin akong may mga problema rin ng kaonti pero nakakayanan ko naman. Nasundan ito ng mga ilang tanong at sa isip ko ay mabilis masyado ang araw.
Bumalik sa maayos na pakikitungo nila sa akin. Matino kong nakausap si Lolo at buong puso niyang pinatawad ang naging kasalanan kong iyon.
Masasabi kong tama nga ang sinabi ni Aubren. Kaya naman mula no'n, iyon din ang rason kung bakit naging mas close kaming dalawa.
Binibigyan niya ng ilaw kapag nandidilim ang pag-iisip ko sa lahat ng bagay. At ganoon din ang sinusukli ko sa kabutihan niya sa akin.
"Where's Abby?" tanong ko, nang dumating na ako.
Pinanood ko itong napakamot sa ulo, animo'y dismayado.
"She won't be able to hang out with us today."
Napaangat ako sa kanya ng kilay. "At bakit?"
Do they like each other? I was intriguing as to why he seemed frustrated or– never mind.
"Inaalagaan niya ang Mama niyang nagkasakit ngayon."
Akala ko pa naman mayroon itong galit sa akin o kahit na anong pagka-disgusto nitong may makasamang ibang babae si Aubren. That Abby girl is impulsive as hell, wala naman siyang boyfriend.
"Bakit ba ganyan ang suot mo?"
Bahagya akong napalingon kay Aubren habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad patungo sa Circus.
Nakasarado na ngayon ang kanyang mga paningin sa mga tindahan. Humaba ang aking nguso sa pagtataka sa tanong na iyon. Ang boses niya ay parang may ginawa akong kasalanan sa kanya.
"Ganda ko ba?"
Sleveless na kulay itim at mahabang pantalon lang naman ang suot ko. Oo, nagmukha akong semi-gangster.
Sa katunayan ay gusto ko talagang makarinig ng mga papuri mula kay Aubren. Naiisip ko palang ay kinikilig na ako, gandang-ganda na siguro ito sa akin.
"Mukha kang jejemon na lumalabas tuwing simbang gabi."
Naglaho ang aking halos mapunit na ngiti, mabilis itong napalitan ng pagkahiya. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa aking narinig mula sa kanyang bibig.
Buong akala ko kasi manonood lang din sila ng nga palabas dito katulad ng mga variety show, fireworks at iba pa.
Halos hindi na maipinta ang kanyang mukha sa sobrang pagka-badtrip na hindi ko alam kung ano ang dahilan.
BINABASA MO ANG
Glimpse of an Aching Heart (Novelette)
General FictionThe creepiest Isaiah Castillo's had ever experienced was dreaming of a stranger jumping off a building. She had the same strange emotions every time she met Aubren in an unexpected time and place. Isaiah convinced herself and thought that destiny wa...