Chapter 12

73 1 0
                                    

Chapter 12

Aubren was flabbergasted of all the things I have said and it still in the process of sinking into his mind. Hindi ko siya mabasa kung anong posibleng iniisip nito at naguguluhan ako sa kanya.

Palihim kong inasahang mag-wa-walkout si Aubren dahil sa pananakit ko rito. Imbis na humingi ako sa kanya ng tawad ay nagulat ako sa bigla niyang paghigit sa mga balikat ko patungo sa kanyang direksyon. 

Kasunod kong naramdaman ay ang mainit nitong yakap sa akin. Ipinagtataka ko kung anong dahilan niya. 

Magpapaalam na ba siya sa akin? Huling yakap na ba ito?

Hindi ako maka-imik sa kinatatayuan ko. I was surprised of what he did. Sa sandaling ito, ang daming tanong sa utak ko.

"Isaiah."

Nakatingala ako sa kanya, ang lungkot ng mukha niya. Tiyak na isang masakit na salitang mula sa akin ay iiyak na siya sa harapan ko. 

The first day I let him enter to be part of my life, I was having a hard time reading his mind and actions.

"I made a worst mistake tonight. . . and I sincerely apologize for hurting you."

Nang makarinig ako sa kanya ng mga salitang minsan ko lang marinig sa tanang buhay ko, mabilis akong nanlumo ako at nakunsensya sa mga aking nasabi. 

"I really am sorry if you think I was manipulating you or something. You're wrong about what was my intent in the first place. Sorry, I really didn't mean to offend you."

Maganda nga ang intensyon mo pero hindi ako tanga para i-normalize kung paano mo 'ko sisihin dahil lang sa suot ko.

"I just want to protect you."

You don't have to.

"Still, sorry for blaming you."

Lumambot ang puso ko dahil sa paghingi ng paumanhin. Siya lang ang taong mabilis magbago ang isip dahil sa nakikitang mali sa nagawa niya. Hindi maipagkailang sinsero ito sa biglaang inasta nito kanina lang. Sa palagay ko ay stress ito sa bahay nila, hindi lang nito masabi. 

Ginantihan ko siya nang mahigpit na yakap at mahinang nagsalita. "Accepted."

Lumuwag ang kanyang yakap at dahan-dahan kong naramdaman ang pagkalas niya sa mga bisig naming nakasarado sa isa't isa. Nang makalayo na siya sa akin, nag-abot ang aming mga mata. 

Lumiwanag ang kanyang mga mata at mabilis na sumilay ang kanyang ngiti tanda na natutuwa siya sa naging sagot ko.

"I'll let you wear whatever you want and whatever you like. Ako ang body guard mo sa mga lakad mo. I will protect you at all cost, it doesn't matter if guarding you sends me to hell."

Mabilis ko siyang sinuntok sa braso, mahina lang naman.

"Tuleg! Bakit naman hahantong sa ganyan? Napaka-negative ah!"

Kailan ba siya naging positive? Hindi ko na matandaan. Hindi na iyon mahalaga, ang importante ay may nakikita akong pagbabago sa kanya.

"Nandito lang ako sa tabi mo kahit na anong mangyari. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa 'yong masama."

Ngayon sigurado na ako, sinasabi niya ito hindi dahil nagpapa-chansing siya sa akin. Pero gusto ko parin malaman ang sagot niya.

"Bakit mo naman gagawin iyan para sa akin?" tanong ko.

Ginulo niya ang aking buhok at ngumiti. "Dahil matalik kitang kaibigan."

Bahagya akong napangiti sa kanyang sagot. Hindi ako nagkakamali. Dahil una palang, wala akong ideya na kailangan niya ako. Kailangan niya ng taong katulad ko. Isang taong naiintindihan siya.

Glimpse of an Aching Heart (Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon