Chapter 18
There are many reasons why it is not difficult to love someone like him. I'm not even sure when, where, or how it happened. Natatakot din ako baka kung anong mangyari kay Aubren dahil sa nararamdaman ko para sa kanya.
Upang matakasan ang kahibangan ko ay ginawa ko ang lahat sa pamamagitan ng pagsabog ko sa kakatawa, nangungumbinsing biro ang lahat.
"Napakaseryoso mo, hindi ka mabiro! Muntanga!"
Umiwas siya ng tingin sa akin at nagsimulang lumakad paalis. Sinundan ko ito at pinakikiramdaman kung nagtatampo ba siya sa akin or nagalit sa ginawa ko.
"Aubren." Halos ibulong ko ang pagtawag sa pangalan nito. "Samahan mo akong pumunta sa comfort zone ko."
Nang marinig nito ang sinabi ko, napatigil siya sa paglalakad saka ibinaling ang kanyang mga matang nanlulumo sa akin. Parang kinurot ang puso ko at gusto siyang yakapin. Sapagkat iniisip ko ang limitasyon ko baka sakaling pagiisipan na naman niya ng kakaiba kapag yumakap ako sa kanya.
"Tara," malumanay nitong sagot.
Napakagat ako sa sarili kong ibabang labi at nangungunang naglakad sa kanya. Iginiya ko siya kung saang lugar ang tinutukoy ko. Nakailang hakbang din kami, medyo may kalayuan pa. Nararamdaman ko ang pagtitig ni Aubren sa aking likuran. Hindi ko naman dapat maramdaman ito ngunit kinikilabutan ako.
Ngayon lang ako na-curious kung maganda ba ako kapag nakatalikod. Itong pakiramdam na ayokong may masabing pangit sa akin si Aubren, sa pisikal kong anyo. Bakit ba naging conscious ako? Wala naman akong pakialam noon.
Third Person's POV
Nang marating na nila ang destinasyon patungo sa comfort zone na binaggit ni Isaiah ay naestatuwa si Aubren. Nakatingala siya sa malaking pampublikong gusali para sa mga kristiyano. Hindi napigilan ni Aubren na mapatanong sa kanyang sarili kung bakit napadpad siya sa lugar na hindi siya nababagay.
Tahimik.
Kahit gustuhin man niyang hindi tumuloy sa loob, napilitan siyang pumasok nang makita niya ang reaksyon ng mukha ni Isaiah.
Anghel.
Parang bumagal ang ikot ng mundo ni Aubren habang pinagmamasdan ang mukha nito. Para siyang nakakita ng anghel na iginiya siya papunta sa kalangitan ngunit nangibabaw ang naramdaman niyang hindi siya dapat na nandidito kasama si Isaiah.
Aubren is hypocrite.
Bumungad sa kanya ang malawak, tahimik at magandang tanawin ng simbahan. Nang makita nito ang mga rebulto, bahagyang napayuko si Aubren at sa halip ay tumingin siya kay Isaiah at nahuli nitong nakatingin din sa kanya.
Kumibot ang labi ni Aubren at tipid siya na ngumiti sa dalaga.
"Ang tagal kong hindi bumalik dito."
Naglaho ang pagdududa ni Isaiah nang mapagtanto niyang mali siya ng iniisip. Naliwanagan siya at hinawakan si Aubren sa braso, patungo sa isang upuan na may malaking espasyo. Hindi gaano karaming tao ang kasama nila sa loob. Nakahinga papaano ang binata.
Nang makaupo na sila'y lumingon muli si Isaiah kay Aubren. "Bakit hindi mo binalikan?"
Kahit may posibilidad na tama ang sagot ni Isaiah sa sarili nitong mga nabubuong tanong sa isipan, gusto niya parin malaman ang sagot.
Humilig si Aubren habang nakayuko. "Napagtanto ko lang na. . ." bumuntong-hininga siya. "Bakit ako lalapit sa kanya kung paulit-ulit akong gumagawa ng kasalanan? Ayokong maging abusado."
BINABASA MO ANG
Glimpse of an Aching Heart (Novelette)
General FictionThe creepiest Isaiah Castillo's had ever experienced was dreaming of a stranger jumping off a building. She had the same strange emotions every time she met Aubren in an unexpected time and place. Isaiah convinced herself and thought that destiny wa...