Chapter 21
Matapos ang pag-announce ng kasal ng magkaparehong mayaman na pamilya ay nagtungo na pauwi ang magkakaibigan. Marami paring namumuong tanong sa isipan nina Marjane at Venson sa pangyayari pero hindi maatim na sagutin iyon ng dalaga. Para itong lumulutang sa mga nalalaman niya at kung ano ba ang dapat niyang gawin saka maramdaman sa mga sandaling iyon.
Sa kabilang banda'y mabigat ang dibdib ng binata na umupo sa sofa sa kwarto ng kanyang ina. Batid niyang bubungangaan na naman siya nito dahil umalis siya ng walang paalam upang kausapin ang tatlo nitong kaibigan saka niya ito hinatid pagkatapos. Tumambay muna siya sa tapat ng bahay nila at malalim na iniisip ang malaking problemang akala niya ay masosolusyonan nito agad.
That kiss feels nothing like an empty can.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?! Hindi kita pinalaking ganyan, Aubren! Nasasaktan ako sa mga ginagawa mo! Ako ang ina mo pero nakuha mo pang sundan ang babaeng iyon at suwayin ako?! Sinabihan kitang huwag umalis! Anong oras na?! It's already 3 in the morning! My god! Masisiraan ako ng bait sa 'yo! I'm so disappointed! Nakakahiya sa pamilyang Villafuerte!"
Isang nakakarinding sigaw at galit ang sumalubong kay Aubren nang makauwi na siya. Nasanay na ito sa masasakit na salita at tono ng boses ng kanyang ina kapag nagagalit. Mga sigawan sa bahay at napakasamang templa ng mukha mula sa mga magulang nito.
Hindi na bago sa kanya ang mga salitang iyan kapag hindi nagustuhan ng kanyang ina ang mga ginagawa nito. Aubren pretended that her words were nothing but deep inside, Mrs. Arima hurting him emotionally.
He managed to stay calm as he walked towards the kitchen. Gusto niyang uminom ng tubig dahil tiyak na alam nitong mahaba pa ang panenermon ng kanyang ina sa kanya.
"May pakialam ka pa sa babaeng iyon kaysa sa sarili mong ina? Who's that filthy woman? Is she important to you?! I really can't believe you! Maayos kitang pinalaki kahit na nakakulong ang Daddy mo ng ilang taon!"
Napahinto si Aubren sa pagsalin ng tubig at diretsahan itong tumingin sa mata ng kanyang ina.
"Sigurado ka bang maayos ang pagpapalaki mo sa akin, Ma?"
Natigilan ang kanyang ina, tanong na napatanong sa kanyang isipan. Nag-abot ang mga kilay nito, tila handa na itong saktan siya at sigawan sa sobrang galit dahil sa walang kabuluhang tanong para sa kanya. Nainsulto siya sa tanong ng sariling anak.
Nagpatuloy si Aubren sa pagsalin ng tubig tsaka ito uminom. He made sure to himself that he would remain calm and still respect her mother despite of making him feel useless. Alam nitong kahit anong gawin niyang pagdadahilan ay hindi parin ito matanggap ni Mrs. Arima.
"Simula nong nakulong si Dad, pini-pressure mo akong maging lawyer kahit ayaw ko naman. Ano bang silbi ko sa bahay na ito kung tatanggihan ko ang gusto mo?" bakas sa boses ang lungkot ng binata.
"Alam kong hindi mo gustong mag-abogado dahil sa ginawa ng ama mo! He was accused of the crime he didn't do! Biktima ang Daddy mo, Aubren! You know nothing!"
Accused?
"Noong bata ka palang, nangarap kana maging katulad ng Daddy mo! Ito ang landas na pinili mo!"
Hindi napigilan ng binata ang mapamura sa kanyang isipan.
"Dad was convicted of murdering his friend, and I was present the night he did it."
Nagulat ang ginang sa nalaman niya mula sa kanyang anak.
"That was also the night I realized that not all educated, degree holder and lawyers can be honest, trusted and true because monsters like him still exist."
BINABASA MO ANG
Glimpse of an Aching Heart (Novelette)
Ficção GeralThe creepiest Isaiah Castillo's had ever experienced was dreaming of a stranger jumping off a building. She had the same strange emotions every time she met Aubren in an unexpected time and place. Isaiah convinced herself and thought that destiny wa...