Chapter 4

72 1 1
                                    

Chapter 4

Nakakahiyang isipin dahil sa dinami-rami na pwedeng pumasok sa makitid kong utak, bakit  tungkol pa sa ligawan? Nagmumukha tuloy akong feelingera at desperada sa lalaking ito! Gusto lang umutot ang tao, pinag-iisipan ko pa ng masama?!

Ilusyunada ka, Isaiah!

Napapahiyang tumango ako bilang sagot at saka umiwas ako ng tingin sa kanya upang hindi ko maamoy ang utot nito. 

Sa amoy ng utot ba talaga ako umiiwas o sa mga mata niya? 

Hindi na maipinta ang mukha ko animo'y isang dagang naiipit sa gilid ng pintuan. Akala ko talaga ho-hokage siya katulad ng iba. Sa lahat kasi ng mga nakikilala ko at nakakilala sa akin ay gusto akong ma-meet at nais akong ligawan.

Hindi naman ako kagandahan, sakto lang.

"Tapos na ako," aniya, natatawa sa sariling ginagawa nito.

Hindi ako sumagot sa kanya, nanatiling nakasarado ang paningin ko sa mga bus na dumadaan sa kalsada. Narinig ko siyang tumikhim kaya naagaw nito ang aking atensyon.

"You look different now, Isaiah."

Napaangat ako ng kilay. Different? Anong pinagsasabi nitong different? Mukha na ba akong butanding ngayon?!

"Medyo humaba na ang buhok mo kumpara nong una kitang makita, gumagamit ka na rin ng pampaganda at umaarte ka na."

"So?"

Bahagya itong napangiti. "You look better than before."

Napalunok ako't pakiramdam ko ay namumula ang aking buong mukha sa kanyang sinabi.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at sinabing, "Maliit na bagay."

He chuckled. "May jowa ka na ba?"

Ito na nga ba ang sinasabi ko! Masyado naman siyang halata! Nakakaasar!

"Bakit? Liligawan mo ba ako?" 

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa nanunudyong sinabi ko. Hindi nagtagal ay natawa siya sa akin, isang tawang nagpakulo ng dugo ko. 

"Confidence level 1-0-1."

Nakasarado ang aking paningin sa mga bus na dumadaan sa harapan namin. "Spell confidence," sabi ko rin.

"I-S-A-I-A-H."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko siyang mahinang natawa. Hindi ko inasahan na ang sarap pala pakinggan ng tawa niya, habang ang boses ko parang siga sa kanto.

Hindi ako kinikilig pero sana kaba nalang ito.

"Kidding aside, I mean it. You look good and. . . genuinely happy."

Ginagawa nito? Na fla-flatter ako!

"Nanibago ako nong ikaw pala ang nasa likod ni Ross, pumayat ka kasi."

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot sa kanya.

"Gusto mo lakad muna tayo?" he asked.

Lakad? Kaming dalawa lang? Saan kaya humugot ng kapal ng mukha ang lalaking ito?

"Pasensya ka na kung inisturbo man kita. Gusto ko lang talaga ng taong makakausap ngayon kahit sandali lang naman."

Wala ba siyang mga kaibigan maliban sa Ross na iyon? Wala talaga akong tiwala sa lalaking ito. Pakiramdam ko pinagmumukha lang niya akong tanga.

Naramdaman ko ang lungkot sa kanyang boses at napakamot ito sa kanyang ulo tila nahihiya pa nga sa akin. Seriously?

Glimpse of an Aching Heart (Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon