Chapter 10
Simula nong muli kaming magkita ni Aubren sa isang Mini Mart na malapit lang sa amin ay nasundan ito ng nasundan, hanggang sa masasabi kong itinuring ko na siyang matalik kong kaibigan.
Ang suspetsa nina Venson at Marjane ay may relasyon kaming dalawa, ngunit pareho naming itinatanggi ang mga paranatang nila dahil wala naman talagang namamagitan sa amin.
Kung pwede ko lang sana basahin kung anong iniisip ni Aubren kapag tinatanong siya nina Venson kung anong estado ang mayroon kaming dalawa ay matagal ko ng ginawa.
"Nandiyan na naman ang sundo mo!" sulpot ni Marjane sa aking gilid.
Nasa harapan kami ng gate, katatapos lang ng rehearsal for the graduation ball this coming April 25th. Sobra akong napagod!
Marjane raised her eyebrow, and looked a little angry while staring at me.
"Sinong susundo sa akin? Kamatayan?" natatawa na wika ko habang abala sa kahahanap ng jeep na masasakyan namin pauwi.
"Walang jowa pero umastang magjowa."
Kasalanan ko bang sweet talaga si Aubren sa akin?
Umaarte lang din akong walang napapansin sa mga ginagawa niya ngunit minsan talaga nalilito narin ako katulad ng reaksyon ni Marjane.
Malalim ang kanyang iniisip, as she started grasping for air. "Malantod ka! Huwag mong sabihin sa akin na pumayag kang wala kayong label?!"
At in-imphasize niya pa talaga ang salitang label! Ang laki at tinis ng boses niya! Kung makasigaw siya sa akin parang kami lang ang tao rito sa tapat ng gate, ah?!
"Nasaan ang sundo ko?" tanong ko nalang.
Sumimangot siya at itinuro kung nasaan nakapwesto si Aubren. And I saw him standing on the right side of the mercury drug store.
Gusto kong mamula sa kahihiyan dahil sa dami ng pwedeng pagpwestuhan, diyan pa sa gilid ng tindahan. Mukha tuloy siyang security guard.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti ng parehong magtagpo ang mga mata namin.
I still don't know why he's doing this thing for me, he's just a friend though.
Normal lang siguro ito sa magkakaibigan. Ayoko namang umasa na nililigawan niya ako, dahil wala ito sa usapan naming dalawa.
"I have never felt betrayed in my entire life and I will never forgive you for making me feel this way! May tinatago ka ba sa amin ni Venson? Konti nalang at magtatampo na ako sa 'yo! I will never ever forgive you!"
Nag-hi-hysterical narin siya dahil sa pag-iisip niya ng kung ano-anong bagay tungkol sa amin ni Aubren.
Napakamot nalang ako sa ulo, wala akong ideya kung paano ko ipapaliwanag sa kanya nang hindi siya mag-iinarte.
"Bakit ba? Ayaw mo bang pinagmamalaki sa amin si Aubren–" mabilis kong binatukan si Marjane.
"Wala ngang kami, at hindi kami nagliligawan."
Pinandidilatan ko siya ng mata at magsasalita na sana ulit ako upang magpaliwanag nang may nakatayo na sa aming harapan.
Awtomatikong namula ang buong mukha ko at bumilis ang tibok ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay gusto kong magtago sa kung saan.
Inang 'yan. . . kumalma ka nga, Isaiah!
He wore a simple white shirt, black pants, of course, and his baseball cap. It's Aubren Arima, the weirdest and opinionated guy that I've ever met. He looked fresh and good, as always.
BINABASA MO ANG
Glimpse of an Aching Heart (Novelette)
Fiksi UmumThe creepiest Isaiah Castillo's had ever experienced was dreaming of a stranger jumping off a building. She had the same strange emotions every time she met Aubren in an unexpected time and place. Isaiah convinced herself and thought that destiny wa...