Chapter 22
Magulo pa ang buhok ng binata nang lumabas ito sa kanyang kwarto dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan. Hindi na nagulat ang binata nang tumumbad sa kanyang harapan ang kanyang ina na nakataas ang kilay.
Bakas sa mukha nito ang pagtitimpi ng galit sa hindi malamang dahilan. Tinignan lang ni Aubren ang kanyang ina na parang wala lang sa kanya ang nais nitong sasabihin.
"Have you lost your mind, Aubren?! Do you know what kind of a woman you brought in our house?! Gosh! This is really embarrassing! What if people found out that you have a connection with this woman?"
Nakababa na ang binata sa hagdanan ay hindi parin siya tinitigilan nito subalit kumunot ang noo nito sa pagtataka nang makita niyang nasa baba si Abby kasama ang Daddy nito. Nasa sala, seryosong naguusap ang dalawa.
Nakuha niya ang atensyon nila. Abby looks worried about him. Naguguluhan si Aubren ng ilang segundo. Nasilayan niya ang pagsilay ng nakakalokong ngisi ng kanyang ama.
"Aubren, pay attention to Mama's phone. I'm sure you know something about this."
About what?
Lumingon ang binata sa hawak ni Mrs. Arima. Ang seryosong mukha ni Aubren ay napalitan nang pagkagulat sa kanyang nakita. Parang napaso ang mga mata niya't inalis ang atensyon niya doon sa screen. Nanigas ito sa kanyang kinatatayuan at hindi makapaniwala sa nakita niya. Kinukumbinsi ng kanyang utak na sana maling tao ang nasa litratong iyon.
Mala porselanang balat. Nakalugay nitong buhok. Nangaakit nitong mga mata. Katamtamang hugis ng katawan. Nakahiga. Nakahubad.
Natitiyak ni Aubren na hindi siya nagkamali sa taong nasa litrato. Kahit ilang beses pa niyang isipin na baka sakaling mali lang siya ng nakita pero hindi. Siguradong-sigurado siya kung sino ito.
It's Isaiah.
"Bakit tinatago mo ito sa amin? Hindi mo ba alam na pwedeng madawit ang pamilya natin sa isyu ng babaeng ito?" Nag-aalalang tanong ng dalaga sa kanya.
Aubren doesn't know anything about this.
"She's a slut!"
Nandilim ang paningin ni Aubren sa sinabi ng ina.
"Watch your mouth, Mom."
Buong lakas na pinaniniwala ng binata na baka edit photo lang iyon. Hindi magagawa ng dalaga ang isang bagay na maaaring ikasisira sa pagkatao niya lalo na at takot ito sa maaaring masabi sa pamilya nito.
An edited photo, huh.
"Bastardo."
Ang unang taong sinususpetsahan ni Aubren ay walang iba kun'di ang ama niya.
"Gulat na gulat ka ata? Hindi mo inasahan na ganyang klase na babae ang dinala mo sa pamamahay ko?"
Sinusubukan talaga nito ang pasensya ni Aubren. Alam niyang kung saan mahilig ang kanyang ama, ang manira ng ibang tao sa sarili nitong interes.
"A filthy woman like her does not deserve to be respected, she cannot even respect herself."
Ikinuyom ng binata ang kanyang mga kamao habang matalim na nakatitig sa kanyang ama na nakaupo sa lamesa. Batid nitong nasisiyahan ang ama sa kanyang reaksyon.
BINABASA MO ANG
Glimpse of an Aching Heart (Novelette)
General FictionThe creepiest Isaiah Castillo's had ever experienced was dreaming of a stranger jumping off a building. She had the same strange emotions every time she met Aubren in an unexpected time and place. Isaiah convinced herself and thought that destiny wa...