Chapter 13

97 4 0
                                    

Chapter 13

It's been nearly half an hour since the program here in AVR for the session began. I am Ms. Lianne's assistant speaker; she is our university's Guidance Advocate. 

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako palipat-lipat ng tingin sa entrance at exit. Panay silip ako sa pintuan kung dumating na ba si Aubren ngunit hanggang ngayon wala parin akong nakita kahit anino man lang nito.

"Where the hell are you now?" 

Tanong ko sa sarili habang naka-upo sa gilid ng malaking screen ng projector. Nakaharap ako sa lahat ng estudyanteng pumasok ng session. 

Mula sa aking inuupuan ay kitang-kita ko ang mga estudyanteng nag-si-cellphone sa bawat sulok, nagsusuklay ng buhok, nakikipag-usap sa katabi at nakikitawa. Bagkus na pagalitan sila ay pinili naming hayaan nalang ito. Alam naman naming mahigpit na nakabantay ang bawat Presidente ng classroom nila at may consequences ito kapag hindi sila nakikinig sa amin.

"Are you waiting for your boyfriend?" 

Sumingit naman ang katabi kong si Vince, baklang kaklase ko at kasama ko sa pag-a-assist kay Ms. Lianne. Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko at napailing nalang ako sa kanya. 

"Hindi jowa ang hinihintay ko, Vince. Best friend ko."

Tumawa siya ng nakakaloko tila'y hindi kumbinsido sa tugon ko. 

"Saan pa ba patungo iyan? Maraming beses na akong naka-encounter ng ganyang estado sa una pero magkakatuluyan naman sa bandang huli. Aminin mo na kasing gusto mo 'yung Orlen."

Mabilis akong napaikot ng mga mata sa kanya. "It's Aubren." pagtatama ko sa kanya.

Vince rolled his eyes. "Whatever! Fine, Aubren."

Huminga ako nang malalim at hindi pinansin ang kanyang sinabi. Kinukulit niya parin ako para umamin, kanina pa raw niya kasi ako napapansing may hinahanap.

Nakasarado ang aking mga mata sa mga nakikinig kay Ms. Lianne, tahimik lang sila't dinamdam ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. 

Ms. Lianne is a Professional Guidance Counselor and a fine woman. She's tall, white, cute heart-shaped face and a fine lady. Idagdag mo pang hindi halata sa kanyang hitsura na twenty eight years old siya at successful sa buhay.

Hindi makaalis ang mga mata't pandinig ng mga estudyante sa kanya. Bukod sa ganda nito, relate na relate rin  sila sa mga diskusyon at sinasabi ni Ms. Lianne tungkol sa buhay pamilya at love life.

"Tumigil ka nga!" 

Mahina kong sinita si Vince dahil napapatingin na sa amin ang ibang estudyante. Panay salita at panunudyo sa aking tabi.

"Natagalan ba ako?" 

Napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon mula sa aking likuran. Naguguluhan ako sa sarili ko kung bakit iba ang hatid nitong kaba sa akin. Bahagya akong napalunok ng laway at lumingon sa aking likod.

I was too stunned to speak when I saw him wearing a simple white shirt and black denim pants. Hindi talaga siya mukhang mayaman kung manamit. Nabudol talaga ako nito, e.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kanyang buhok. Bagay sa kanya ang kanyang bagong gupit, para siyang isang campus cutie. Humahalimuyak ang kanyang mamahaling pabango.

"Sobrang aga mo namang dumating at nasa kalagitnaan kana ngayon pumasok sa session. Tapos na akong magsalita sa harapan at mag-assist kay Ms. Lianne. I had no idea you were so obedient, Aubren."

Glimpse of an Aching Heart (Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon