Chapter 16

80 2 0
                                    

Chapter 16

Nagawang magustuhan ni Aubren ang mga nakapaligid sa kanya dahil sa hinaba-habang oras na nanatili kami rito. Katulad ng kanyang sinabi ay gusto niyang mag-participate kaming dalawa sa mga aktibidad at palaro na hinanda namin para sa mga estudyante. Dahil nandito si Aubren na kasama sa plano namin ni Ms. Lianne, pwedeng-pwede siyang sumali kung gugustuhin niya.

Lumapit sa akin si Aubren saka niya pinakita sa akin ang hawak nitong chip ng gitara. Tumumbad sa akin ang kulay dilaw na chip, sumilay ang kanyang natural na mga ngiti. 

"Kent gave this chip to me, he can play electric too."

Kumunot ang aking noo. "Sinong Kent?"

Binigay niya sa akin ang dilaw na chip, yumuko ako upang titigan ito. Sa gilid ng aking mga mata ay napansin kong hinanap din ni Aubren ang tinutukoy niyang Kent.

"Ah, he's from Music Club. Nakausap ko kasi siya at ang mga kasama nito sa banda."

Sinasabi ko na nga ba, e.

"Unluckily, he's nowhere to be found." and he tsked.

Napakamot siya sa ulo at binalik ko sa kanya ang chip. 

"Hindi ba masyadong girly naman itong kulay dilaw na chip para sa 'yo?"

Isang tanong na nanunudyo at tinawanan lang niya ako. Kinakabahan din ako na kapag nakita ang chip na ito sa bahay nila ay baka pagagalitan lang siya ng pamilya niya.

"Talaga ba?" Natatawa nitong tugon. "Kaya raw kulay dilaw ang binigay niya dahil bukod sa mahalaga ito sa kanya ay sumisimbolo rin daw ito ng pagasa. Ang kahalagahan na ito ay gusto niyang maranasan sa akin."

Ibig niyang sabihin, binigay ng lalaki ang chip na iyon para iparating kay Aubren na may pagasa? Kung ganon man ang nangyari ay tiyak na nagkausap sila tungkol sa mga personal nilang  problema sa buhay.

Umupo sa aking tabi si Aubren at pareho naming pinanood ang ibang estudyante na lumalabas na sa AVR. Abala naman si Ms. Lianne sa pagsagot ng mga tanong ng ibang estudyante. Si Vince ay nag-aayos ng mga upuan habang ako ay katatapos ko lang iniligpit ang kalat ng mga estudyante kanina.

Lumingon ako kay Aubren nang marinig ko siyang nagsalita. "Sa tanang buhay ko, ang araw na ito ang pinakamasaya."

My plan works, and also thanks to Ms. Lianne.

"Gusto kong maalala ang sandaling ito hanggang sa huling hininga ko."

I sighed.

"Natutunan ko agad makipag-usap ng hindi ako tinatablan ng takot, na baka hindi nila ako magustuhan. Bigla nalang sumagi sa isipan ko na kaya ako nandito para sa 'yo."

Nagkatinginan kaming dalawa, kahit na anong pilit kong pakalmahin ang sarili ko, dumoble pa ang pagwawala ng dibdib ko. 

"Nandito ako para makihalubilo sa mga taong katulad mo. . . at katulad ko."

Nauna akong umiwas sa kanya ng tingin. Tumingin nalang ako sa stage at malalim na iniisip kung bakit ganito ako umasta animo'y may tinataguan ako. Nararamdaman kong nakatitig parin ito sa mukha ko. Taos-pusong nagpapasalamat ang pinapakita ng kanyang mga tingin sa akin, kitang-kita iyon sa gilid ng aking mga mata.

"It feels good to open your heart to other people."

I know, I've been there before.

"Hindi ako naniniwala na may mabubuting tao pa katulad mo."

Maraming marami pa.

"Inisip ko agad na masyadong kikitid mag-isip itong nasa lipunan na tinutukoy ko." 

Lawakin mo lang ang isip mo sa mga tao, magiging maayos ka rin.

"Hinusgahan ko agad ng hindi ko inisip na kabilang na pala ako sa lipunang binabanggit ko."

Lahat tayo'y nagkakamali, nasa tao iyon kung gusto niyang magbago.

Sumingkit ang kanyang mga mata at mahinang tumawa kaya napatanga nalang ako. Bumalik na naman kung paano ito tumingin sa akin kanina. I don't want him to look at me this way. Dalawa lang kasi ang nasa isip ko. Una, hindi ako mapakali dahil lumalakas ang pintig ng puso ko. Pangalawa, pakiramdam ko namamaalam siya sa akin.

Ibinulsa nito ang kanyang mga kamay saka ito ngumiti sa akin. 

"Gusto kitang pasalamat sa lahat ng ginawa mo sa akin, Isaiah. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ko mapagtanto ang isang bagay na minumura at minaliit ko sa isipan. Kung hindi dahil sa 'yo baka hindi ko rin maranasang ganito kasaya. Kung hindi dahil sa 'yo, wala sana akong makakausap na mabubuting tao kagaya mo."

Pinili kong tulungan ka sa paraang alam at kayang-kaya ko.

Gusto kong magsalita pero mas pinili ng isipan kong itikom ang aking bibig. Maiging makinig na muna ako dahil alam kong gusto niya ang mga taong nakikinig sa kanya. Lalo na't minsan lang ito maglalabas ng sama ng loob at saya nitong nararamdaman.

Napatanga ako nang makita ko ang umiigting ang kanyang panga, kasabay ang pagdilim ng kanyang mga mata. Naramdaman ko ang galit at pagdurusa doon na noon lang niya kinimkim. 

"Masamang tao kasi ang mga magulang ko kaya masama rin paningin ko sa ibang tao."

Mapait siyang tumawa hanggang sa naging basag-basag ang tawa ni Aubren at napalitan iyon ng lungkot. Bumagsak ang dalawang balikat nito at napayuko nalang.

"Ginagago lang ako ng mga tao gaya kung paano rin manggago sa akin ang mundo."

Pilit niyang tinatawanan ang malalim niyang problema na dinadala niya. Gumalaw ang kanyang mga balikat dahil sa pagtawa nito habang patuloy paring kumawala ang kanyang mga luha.

Seeing Aubren cry hurt me more. Parang piniga ang dibdib kong makita siyang ganito ka miserable sa buhay. Tumayo ako sa aking kinauupuan at ginawaran siya ng mahigpit na yakap.

"P-Pero nong makita at makilala kita ng lubusan. . ." pinipilit niyang buuin ang salita habang humihikbi siya. "Nagkaroon ako ng interes upang baguhin ang sarili ko."

Naramdaman kong yumakap siya sa akin pabalik, kumportable at mainit na yakap. Nangangahulugang hindi lang siya nag-iisa. 

Mapait akong ngumiti. "Bakit? Bakit ka nagka-interes sa akin?"

Humugot ito nang malalim na hangin at hinaplos ang aking likuran. Bigla nalang akong nakaramdam ng matinding pangamba, kasabay ang pagtigas at pamamanhid ng mga paa ko nang sabihin niya ang dahilan kung bakit siya interesadong makilala ako.

"Isaiah, nakita kita sa panaginip ko."

Glimpse of an Aching Heart (Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon