Chapter 7

122 6 0
                                    

Chapter 7

Hating gabi na akong nakauwi sa bahay dahil kagagaling ko lang sa bagong bahay ni Marjane kasama si Venson. May pina-finalize lang sa amin ang mga professor para sa thesis namin.

Nang makarating na ako sa tapat ng kanto ng bahay namin, nagtataka ako kung bakit bukas ang gate, kaya nagmamadali akong pumasok sa loob. Nagkakarera ang dibidib ko sa kaba. Pagpasok ko palang ay bumungad na sa akin ang naka-uniporme na mga pulis, kausap nila ang Lolo ko.

Huwag mong sabihin na pinapahanap nila ako? Napalunok ako nang maagaw ko ang kanilang mga atensyon.

"'Yan na ang apo mo, oh! Saan ka ba galing? Tatlong oras ka na namin hinahanap ng Lolo mo," sabi ng isang pulis.

Yumuko ako dulot ng matinding kahihiyan. Hindi nga ako nagkamali. Pangatlong beses na nangyari ito at nakakahiya na sa pamilya ko lalong lalo na kay Lolo.

I want to tell them the truth but how can I explain and where am I supposed to start? Ngayon palang pinapangunahan na ako ng kaba at takot sa pwedeng maging reaksyon nila. 

This is all your fault, Isaiah!

Hindi na nga maipinta ang mga mukha nila. Kulang nalang patayin nila ako ng buhay dahil sa mga matatalim nitong mga matang nakatitig sa akin.

"I am s-s-sorry, my phone died. I-I was o-out of charge," I said while stuttering in nervousness.

Tumingin ang mga pulis kay Lolo at sumenyas ang mga itong aalis na.

"Magpaalam ka mula sa mga taong narito para naman hindi sila magalala sa 'yo, Hija. Kawawa naman ang pamilya mo. Halos hindi na sila makatulog sa kahahanap sa 'yo."

Napakagat ako ng labi dahil sa nangyari.

"Sige, pre, salamat sa inyo." at nakipagkamay si Lolo sa mga pulis.

"Walang anuman, Sir." tinanggap naman ng mga pulis at nakipagkamay.

Nang makaalis na ang mga ito, sinalubong ako ng mukha ni Glare na pikon na pikon.

"Where have you been?" Glare asked, raising her brow.

She's my younger sister and we don't like each other's presence. Hindi talaga kami nagkakasundo. Glare always made me feel like I am a failure, and she's good at everything. Pinaparamdam din nito na may galit siya sa akin. 

Kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikita ako. I have no idea why she's so mean to me. I don't really like how she disrespect me in front of our family. Glare always silently watching of what I do to my life. 

Wala ba siyang sariling buhay?

"Kanina pa kami naghahanap sa 'yo." dagdag niya.

Hindi ako makasagot dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. Binabalot na ako ng matitinding tensyon mula sa mga tingin ni Uncle Allen, Mama, Glare at kay Lolo. 

Napailing nalang si Auncle sa akin at pumasok na sa loob saka sumunod naman sa kanya si Mama na namimigil sermonan ako.

"Isaiah, give me your phone." 

Malamig na tonong sinabi ni Lolo at lumapit ito sa akin.

"Stop making excuses, I'm sick of it." 

Sinunod ko ang kanyang utos at hindi ako nagdalawang-isip na ibigay sa kanya ang cellphone ko. Tinitigan niya ang cellphone ko ng ilang segundo.

Huwag mong sabihin na. . .

Napatalon ako sa gulat dahil ginawa niya. Hinampas niya sa dingding ang cellphone at tinadyak-tadyakan. Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang nakasarado ang aking mga mata sa cellphone kong basag na basag.

Glimpse of an Aching Heart (Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon