Chapter 19
Bumungad sa dalawang tainga ni Isaiah ang tawanan at kwentuhan ng mga taong nasa garden. Nakalaglag ang panga ng dalaga habang pinagmamasdan kung gaano kalawak ng lupa at kalaki ng bahay ng kaibigan nitong lalaki.
Bago makapasok sa loob ang dalaga, napahanga siya sa laki ng gate nila. Matitiyak nitong walang magnanakaw ang makakapasok sa mansyon. Tanaw ni Isaiah sa labas ang maaliwalas at maliwanag na ilaw sa loob ng bahay. Hindi nito inasahang ganito pala kayaman ang pamilya ni Aubren.
Napakagat ng ibabang labi si Isaiah kung papaano ito makakapasok sa loob, wala naman siyang dalang invitation card dahil harap-harapan lang siyang inimbitahan. At mula sa kanyang kinatatayuan ay kinakabahan at nahihiya rin itong pumasok dahil sa engrande nitong selebrasyon.
"You came. . ."
Natauhan ang dalaga nang marinig nitong may magsalita kanyang likuran. Sa boses palang nito ay alam ng dalaga kung kanino nagmula ang pamilyar na tono ng boses nito. Her worries disappeared in a sudden. Bahagyang sumilay ang ngiti nang dalaga at lumingon sa kanyang likuran. Natulala siya sa binata dahil sa tanyag nitong kagwapuhan sa paningin nito.
Nakasuot ito ng tuxedo at pinagmamasdan niya kung gaano ito kabagay sa katawan ng binata. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nanunuot sa ilong ng dalaga ang magarbong pabango nito. Pansin din nito ang medyo basa niyang buhok.
"'Yang bibig mo, ang dumi."
Napaangat ng kilay ang dalaga at naalala kung gaano nito kabalasubas magsalita.
"Edi punasan mo!" anas ng babae, nagmamagaling.
He chuckled. "You see? Wala akong dala."
Pinakita ni Aubren ang kanyang mga kamay at katawan na wala siyang dinala kahit na anong bagay na pamunas.
Isaiah smirked. "Punasan mo ang bibig ko, gamit ang labi mo."
Aubren shook his head in disbelief. Hindi na nito magawang maniwala sa dalaga dahil sa dami nitong banat na pwede ikapapahamak niya. Hindi ito takot mahulog sapagkat alam niyang hindi magugustuhan ng dalaga kapag ang nararamdaman niya ay maging balakid sa maayos na pagkakaibigan nilang dalawa.
"Tara na, pasok na tayo. Hinihintay na tayo nina Marjane at Venson."
Aubren almost seize her hand. Subalit inilayo ng mga babae ang kanyang mga kamay at nag-abot ang mga kilay nitong nakatitig sa binata. Isaiah admitted to herself that she felt calmed and glad knowing she knows somebody inside in his gigantic house.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na inimbitahan mo pala silang dalawa?!"
Aubren chuckled once again. "I'm happy I didn't fail to surprise you."
"Kanina pa ako nag-o-overthink dito. Tsk! Iniisip ko ay wala akong kakilala at baka ma-a-out of place lang ako sa loob!"
Tuwang-tuwa ang binata sa reaksyon ni Isaiah. Parang bata itong umasta na nagmamaktol kung papasukin ba siya sa loob o palihim nalang na umuwi.
"Huwag ka na mag-overthink, para lang iyan sa matatalino."
Isaiah faked her smile. "Shut up, Aubren."
"But kidding aside-" Isaiah cut him off. "What?"
Pinasadahan ng tingin ni Aubren si Isaiah sa kanyang suot na dress. A kind of dress a female clothing strap that runs from the front of the garment around the back of the neck, leaving the upper back exposed. Sumisigaw ang kaputian ng kanyang balat dahil sa suot nitong dress. Isaiah has the body type of medium, has sinful curve body and perfect thick thighs. Bagay na bagay sa kanya ang suot nito. Aubren smiled as he saw the style of her hair. Nakalugay, as always.
BINABASA MO ANG
Glimpse of an Aching Heart (Novelette)
General FictionThe creepiest Isaiah Castillo's had ever experienced was dreaming of a stranger jumping off a building. She had the same strange emotions every time she met Aubren in an unexpected time and place. Isaiah convinced herself and thought that destiny wa...