Epilogue

342 12 0
                                    

AN: ang chapter po na ito ay ang POV ni asher. Simula sa una. Ito na din po ang pinaka last chapter sa story na to. Sana po magustuhan niyo :)

Simula ng mawala ang pamilya ko, parang ang buhay ko din ay wala na. Hindi ko alam kung bakit ganto ang kapalaran ko. Nagpakabait naman ako, hindi naman ako masamang tao pero bakit ganto ang kailangang mangyari sakin?

Mag-isa na lang ako dito sa bahay. Halos di na ako kumakain, inom lang ako ng inom ng alak. Siguro nga mas maganda kung mamatay na lang ako para magkakasama na kami.

Tandang tanda ko pa ang ginawang kahayupan ng tinatawag na tub blood gang sa pamilya ko. Parang wala ng pakikitunguhan ang buhay ko ng may babaeng dumating na babae at pumasok sa bahay ko.

Umiinom ako non sa kusina ng makarinig ako ng tunog ng paa na naglalakad palapit sakin.
Ng makalapit na siya sakin agad ko siyang hinala at sinakal.

"Argh d-i ako ma-ka-hinga" hirap na sabi nung babae. Sinubukan niyang lumaban sakin pero mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa kanya.

"Sino ka? At anong ginagawa mo sa bahay ko?" I said. Dahil mahirap na, baka kasabwat pala ito ng mga pumatay sa pamilya ko at ako naman ang balikan.

"Hindi ako masama. May humahabol kasi sakin at papatayin nila ako pag nakita nila ako?" She told me. But how? As far as I can remember my house is far away from the city. So how the hell, did she found this house?

"Anong paki ko? At pano ka nakapasok sa bahay ko?" Symempre kailangan ko munang komprontahin siya. Dahil baka bigla na lang niya akong saktan dito.

"Hindi ako masama. Kailangan ko lang talaga ng matitirahan ngayong gabi. Please kahit ngayong gabi lang." Parang nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. Kaya binitawan ko na din siya.

"Pasensya na sa ginawa ko sayo. Di ko kasi alam kung ano ang pakay mo sakin. Baka di ko alam papatayin mo pala ako." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Wow sa ganda kong to?" Ay mahangin pala! Well, she's pretty. "Papatayin ka? Well kaya kong pumatay pero pag wala namang ginagawa sakin bakit ko gagawin yon? Right?" Sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya kaya niyang pumatay?

"Sige. Dito ka muna pansamantala." Ewan ko kung bakit ayan ang lumabas sa bibig ko. Kaya bago pa siya magsalita, lumabas na ako.

Pumunta lang ako sa sala. Pero nagulat ako sa babae ng sumunod siya sakin.

"Nasan nga pala ang pamilya mo?" Tanong niya. Parang ayokong sabihin sa kanya ang nangyari pero meron sa loob ko na gusto kong sabihin sa kanya.

"Wala na sila.." parang naiiyak na naman ako. Ayaw na ayaw ko pa naman tinatanong ang pamilya ko. Pero pag siya, ewan ko...

"Wala? Mga kapatid mo?" Walang alam na tanong niya.

"Wala din." They're also dead.

"Ah. Nalamalengke ba?" Nagulat ako sa tanong niya. Parang gusto kong tumawa.

"Wala na sila. Patay na.." pagkasabi ko nun. Nanghihina na naman ako.

"Sorry" sabi niya at yumuko.

The Nerd is The Campus Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon