Chapter 3Dionne's POV.
nagising ako mula sa sinag ng araw, naghanap ako ng unan habang nakapikit saka ito itinakip sa aking mukha.
“arrrrrgh!” mahinang kong dating ng maramdaman ang sakit sa aking ulo.
madaling araw na kaming natapos sa pag-iinom, hindi ko naman in-expect na papatayin kami ni Louise sa alak! akala ko wine lang pero yung ininom namin ay Balkan 176 Vodka kaya sobrang sakit ng ulo ko, bangag-bangag siguro kami!
paano ko nakayanang maglakad papuntang kwarto?! wala na nga 'kong gaanong maalala sa sobrang kalasingan.
hinanap ng kamay ko ang cellphone para tignan kung anong oras na ba.
11:36am
magtatanghalian na pala! napabangon ako saka napasabunot sa buhok, ang sakit ng ulo ko peste! kasalanan 'to ni Louise ang dami ng pinainom sa amin. speaking of Louise, gising na kaya ang mga yun?
good thing na nagbaon ako ng damit, ililigo ko na muna ito, mga 4pm kailangan kong bumalik sa office.
♡
pagkababa ay naabutan ko si Ashley na nanunuod sa salas habang may kinakain na chips.
“Kanina ka pa gising?” tanong ko sa kanya at naupo sa tabi nito
“Nope, kakagising ko lang. kapag ikaw magpapa-party wine lang tayo ha? ang sakit pa rin ng ulo ko e.” naka-kunot noo nitong sabi
“Bakit parang hindi naman halata?” natatawa kong sabi
paano ba naman kasi nakuha niya pang manuod kesa uminom ng fruit juice, pampawala ng hangover.
“Akala mo lang, psh!”
“Wala kang lakad?”
“Mamayang gabi pa, rest day ko ngayon” she said
ang tagal naman gumising nung dalawa.
pumasok ako sa loob ng kitchen para maghanap ng fruit juice, medjo sumasakit pa kasi ang ulo ko, unlike kanina na sobrang sakit.my phone rang, kinuha ko ito saka in-slide ang green button at itinapat sa tenga.
“Miss, 7pm daw pong gusto makipag-meet sayo ni Mrs. Dauntless” Rain said
“Okay. i have a meeting with Impact Models ng 4pm. how 'bout yung sketch na pinapatapos ko kay Sheena, natapos niya na ba?”
I poured fruit juice sa glass , bumalik ako kung san naroroon si Ash habang kausap pa rin si Rain.
“hindi pa daw po Miss, after niya tapusin i-e-email niya na lang po sayo”
“Hanggang hapon ko lang tatanggapin yun, kagabi pa deadline nung pinapagawa ko sa kanya”
pinagbigyan ko na nga siya hindi niya pa din natatapos? dapat kanina pang 7am niya pinasa yun.
“Hard copy ang kailangan ko” pahabol ko pang sabi.
“Noted Miss, sasabihin ko na lang sa kanya” sabi nito mula sa kabilang linya
“How 'bout yung Art Museum? Nakausap niyo na yung engineer na gagawa nun?”
by next month i-o-open na yun. kaunting ayos lang naman ang kailangan doon then si Louise na ang bahalang magDesign sa Art Museum.
“Yes Miss, bukas pa siya available kaya bukas ko pa i-me-meet”
“Good, before 4pm nandyan na ko.”
“Okay Miss” she said then ended the call.
BINABASA MO ANG
Masterpiece : Morgan Series #1 ✅
FanfictionDionne Alexia Morgan is the owner of D'sign Company ▪Completed▪ ✅ Morgan Series #1 2020 story. kisstelm 2020