Chapter 21

231 9 0
                                    


Chapter 21

Dionne

“Ikaw lang mag-isa dito, dre? bakit hindi mo kasama si brithania? bahay mo talaga ito?” sunod-sunod na tanong ni Levi

galing ito sa loob ng bahay kasama si Louise, itu-tour daw kasi niya si Levi at gusto niyang libutan ang buong bahay dahil ngayon lang daw siya nakapunta dito!

“Yes, I own this, may sariling bahay si Bri kaya hindi ko siya kasama dito.”

“may mga kasama din ako dito, like Manang Rosario, Angel, Matilda, Mang Cesar and Butler Leo.” i added

“oh? sila yung mga katiwala mo diba? ang laki ng bahay mo, dre”

“second family for correction, para ko na rin kasi silang pamilya” i said

tumango na lamang siya at nilantakan ang ice cream na bitbit nila pagkarating! mukhang kinuha ata ni Louise ito sa ref! naalala kong yan yung pinabili ko kahapon kay Manang. hindi ko pa nababawasan yun *pout*

“ate, paabot nung hotdogs at sausage, gi-grill din daw yan sabi nila Ate Autumn.” -Ash

nakapikit ang isa kong mata habang kinuha sa gilid yung mga pinapaabot nito! ang sakit kasi ng kaliwang mata ko dahil sa usok, dalawa kasi kami ni Ash ang nag-gigrill dito. samantalang sila Gavin, Axel at Austin ay nagluluto, since yun naman ang nakatoka sa kanila.

“thanks.” Ashley said

“Bakit pati yan igigrill pa? pwede namang i-fried na lang”

“Sabi daw nila Ate Autumn ih! saka mas masarap kapag inihaw.” sabi pa niya

hinayaan ko na lamang siya at bumalik sa gawain ko, baka kasi masunog itong mga meat pang-samgyeop, hindi na yun masarap kapag sunog!

“Oy Louise, hindi ka pa pupunta dito? aba girl, wala ka naman ng gagawin dyan bakit hindi ka pa magpakabasa?” sigaw sa kanya ni Haven

“Mamaya na! so excited naman, girl” maarte nitong turan

mabuti na nga lang at pinalinis ko yung pool kaninang umaga, ilang days na din kasing hindi napagliliguan o nagagamit! kakapalit lang din ng tubig niyan kanina.
since nasa pool area nga kami, ayun at nag-siswimming sila Ximena doon kasama sila Haven at Gaby.

tapos yung ibang boys like Levi and Frost ay naging assistant nila Axel sa pagluluto.

Napatingin ako sa gawi nila, mukhang habit nila ang pagluluto at yun na rin ang parang bonding nilang tatlo, kasi naman enjoy na enjoy sila sa ginagawa. except kay Levi na assistant nila at walang hilig sa pagluluto, mukhang siya ata ang taga-kain ng mga kaibigan niya!

parang sa amin! si Haven at Louise ang tiga-kain. the rest tiga-luto ng dalawa!

“Omg! ang sakit nito sa mata huhu!” reklamo ni Ashley

natatawa ko itong pinapanuod! yung isang kamay niya ay nakatakip sa mukha niya, samantalang yung isa ay may hawak na tong.

“why are you laughing, ate? siguro pinagtatawanan mo ako noh? ang sakit kaya sa mata! hindi ba nasasaktan yung iyo? gosh! so manhid ng mata mo”

napailing na lamang ako! wala naman akong sinabi pero ang dami na ng sinasabi o nirereklamo niya, kaloka!

like duh! kung alam niya lang! kanina pa nasasaktan yung isa kong mata dahil sa usok, tinitiis ko na nga lang eh!

“Ang reklamador mo, kayo naka-isip nito. so pagtyagaan mo.” nakairap kong turan

inilagay ko sa isang plate yung mga luto na at naglagay ulit ng panibago. ginupit ko na rin yung ibang nakasalang dito.

Masterpiece : Morgan Series #1 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon