Chapter 24

214 10 0
                                    

Chapter 24

Dionne

itinutok ko ang DSLR sa dagat. napakaganda kasi ng view nila dito kaya gustong gusto kong kuhanan ng litrato.

Mabuti na lang at may dalang DSLR si Gavin, hindi ko kasi nadala ang sa akin dahil biglaan niya nga akong niyaya na magbakasyon! kung alam ko lang, edi sana dala dala ko ang akin.
sinadya niya talagang dalhin ang sa kanya dahil napansin nito ang paghilig ko sa mga pagkuha ng magagandang view.

pagkakuha ko no'n ay itinapat ko naman ito kay Gavin na busy'ng nakatayo sa harapan ko at nakatingin lamang sa alon ng dagat. napangiti ako ng makitang ngumiti ito, hindi ko tuloy mapigilang kuhanan siya ng litrato.

stolen shots. kahit nga stolen lang ay napaka-gwapo niya pa ding tingnan.

nakangiti akong tinitingnan ang mga litratong nakuhanan ko mula sa kanya. napaka-gwapo talaga, kainis! kahit saang anggulo kasi ay napaka-gandang pagmasdan, hindi niya na kailangang pumose pa para kuhanan siya ng litrato, effortless. kaloka!

“you're really good at taking pictures”

hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala siya at tinitingnan niya din ang mga litratong tinitingnan ko.
nakita ko pa mula sa peripheral vision ko ang pag-ngisi niya.

“and i'm a good Model”

“edi ikaw na! effortless nga eh, wala kang ginagawa pero ang gaganda ng mga nakuha kong pictures mo dito” pagtuturo ko sa mga litrato niya

ayan naman ang dimples niya tuwing nangiti. gustong gusto ko talaga ang dimples niya kaya lagi kong pinapansin iyon, bat ba kasi! *pout*

“stop pouting, babe.”

psh!

“aren't you hungry?” sabi pa nito

“Nope” kakakain lang namin kanina kaya hindi pa ako gutom.

saka napagod din ako mamasyal kanina, kakabalik nga lang namin dito sa Resort eh. tapos bukas ay babalik na ulit kaming Manila, dahil may photoshoot pa siya kinabukasan no'n.

naalala ko din si Rain at Kelly baka marami ang ginagawa nila sa kumpanya, lalo na't wala ako doon ng ilang araw.

“bakit? nagugutom ka na ba? ulit?” i added

iling lamang ang sinagot niya and he wrapped his other arm on my waist.

i'm just wearing a Calvin Klein black two piece, naka-white maong shorts lang ako saka pinatungan ko ng white  see-through shirt ang suot na two piece, kaya naman ay ramdam na ramdam ko ang balat nito sa katawan ko.

“let's take a picture” I said to him nang maalala na kaunti lamang ang picture na meron kaming dalawa.

he pulled me closer, hindi pa ito nakuntento at ipinatong ang mukha sa aking balikat. ipinuwesto ko ang DSLR upang kuhanan kami ng litrato.

nakangiti lamang ako habang kumukuha ng maraming pictures naming dalawa. titingnan ko na sana ang mga pictures ng kuhanin niya iyon mula sa akin.

nagtatakha ko pa siyang tiningnan kung bakit niya ginawa yun! ngiti lamang ang ibinigay nito, nagulat pa ako ng bigla niyang halikan ang pisngi ko.

“I'm taking our picture, babe” nakangisi nitong sabi

“you didn't tell me, psh”

bigla bigla na lang kasing nanghahalik kaya nagugulat ako parati!

inirapan ko siya saka tumingin sa DSLR na hawak niya. ayan na naman ang paghalik niya sa pisngi ko! nagugulat pa akong napatingin ng sunod sunod ang pagtunog ng DSLR. “Gavin!!!!” tawag ko sa pangalan niya.

Masterpiece : Morgan Series #1 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon