Chapter 11

275 10 0
                                    


Chapter 11

Dionne

Iminulat ako ang aking mata at tulalang napatigin sa kisame. inaantok pa ako pero hindi ko na magawang matulog pa muli. nararamdaman ko ang init sa aking balat, dahil sa araw na tumatagos sa babasaging dingding. uminat inat muna ako saka tinanaw ang aking gilid. hindi ko man lang napansin na nakaayos na sa magkabilang gilid ang kurtinang ipinangharang ko sa babasaging dingding bago ako matulog kagabi.

mukhang may nag-ayos nito kanina habang natutulog ako.

mula sa higaan ko ay kitang kita na dito ang kulay asul na dagat, habang nagsisialon ang tubig nito. may mga tao ding nakikisabay sa alon at may iba ding naliligo lamang.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga saka tinignan ang oras. 9:31am mag-aalas diyes na pala. naalala kong nag-banana boat pala kami kahapon kaya gano'n na lang kasakit ang nararamdaman ko sa aking katawan.

hinawi ko ang babasaging sliding door saka lumabas upang magtungo ng terrace. napapikit ako habang dinadama ang simoy ng hangin. maaliwalas at maliwanag, hindi naman sobrang init ng araw kaya okay lang! napahawak ako sa railings at pinapanuod ang mga taong may kanya-kanyang ginagawa.

“Good morning, mahal na prinsesa. mukhang feel na feel mo talaga hah!” sarcastic nitong sabi

ang aga-aga nakasimangot kaagad ang mukha nito! mukhang masama ata ang gising nito.

“morning. ano na namang itsura yan Louise?” natatawa kong pagbigay pansin sa kanya

Naupo ito sa single sofa ng terrace at napacross arms sa dibdib. kita ko tuloy ang korte ng bubs nito! nakasando pa naman siya.

“Ang aga-aga kasi mangbulabog nila Ash. natutulog pa ako eh” reklamo nito habang hindi maipinta ang mukha

pinasadahan ko lang siya ng tingin habang natawa saka ibinalik ang tingin sa dagat.

bakit kaya nang-gugulo na naman yun sila Ash!

“Nasaan ba sila?” i asked

“Nasa kwarto ni Haven, siya naman ang ginugulo noong dalawa” she simply said

Si Haven pa naman ang may pinakamatagal na tulog, siya rin ang mahirap gisingin sa aming mag-kakaibigan.

“kawawang Haven” natatawa kong sambit

for sure ay maiinis yun kapag kulang ang tulog niya. lalo na't mukha ng dalawa ang bubungad sa kanya.

“Nag-breakfast ka na?”

“Hindi pa, sabi nila sabay-sabay daw mag-aalmusal. narinig ko ding tulog pa daw ang mga boys”

“Arrgh! ang sakit pa din ng katawan ko huhu” pagrereklamo nito

paano ba naman kasi hindi pa siya nakuntento sa banana boat at nag-jetski pa tapos nakisali din kila Levi na mag-surf. hindi naman siya marunong pero nag-surf pa din! ang harot nga niyan kahapon, kasi nagpaturo pa kay Axel.

“Paturo ka ulit mag-surf. ang harot eh”

“Ikaw din kaya noh”

napaarko ang aking kilay saka siya binalingan ng tingin “Paanong ako din?” this time nakapameywang akong nakaharap sa kanya

“dont me nga, nakita ko kayo ni Gavin” irap nitong sabi

“Oh tapos?”

“Ang harot niyo. nakahawak siya sa beywang mo noong mag-banana boat tayo samantalang may kanya-kanya namang hawakan yun.”

Masterpiece : Morgan Series #1 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon