Chapter 15Dionne
“Ano yun, girl. kayo na agad? wala ng ligaw ligaw?!” Louise asking
“In a relationship na nililigawan. doon din naman ang ending nun if ever na liligawan ka. saka choosy pa ba ako? ang sexy kaya ng boyfriend ko.”
Araw araw niya akong nililigawan kahit na kami na. yun lagi ang ipinaparamdam niya sa akin. eh biglaan naman kasi! saka hindi na ako nakapag-isip sa sobrang saya na naramdaman ko that time. basta bigla na lang kami nag-confess sa isa't-isa tapos ayun naging kami.
“Sabagay! grab the opportunity. *laugh*”
“teka! naalala ko. nasan na yung kotse mo? akin na yun girl. tama ako ng kutob na may gusto siya sayo. mygad! finally mapapasakin na ang Ferrari Pininfarina Sergio” excited na sabi nitopsh! naalala niya pa yun. akala ko naman makakaligtas na ako.
isa ata o dalawang beses ko pa lamang nagagamit yun, tapos kakabili ko lang din siya. aish! bakit ba kasi pinatulan ko ang pag-pupusta ng gaga na to!
“Kainis ka” I sighed heavily.
tumawa lang ito. kinuha ko ang bag ko saka hinahanap ang susi nung Ferrari na ibibigay ko daw sa kanya. ang mahal-mahal pa naman nun. bisit! nasa bahay yung sasakyan pero yung mga Car keys ko ay lagi kong dala.
Inihagis ko ang car key ng Ferrari sa kanya.
“Finally. mygad! wag mo ngang ihagis girl. baka magasgasan 'to! mahal-mahal pa naman ng Ferrari Pininfarina Sergio” bakas sa itsura nito ang pang-aasar sa akin.
hindi pa nakunteto at maarteng iwinawagayway sa akin ang susi ng sasakyan. ang sarap talaga nitong hambalusin. punyemas!
“Scam ka kamo, scam ka” naiinis kong turan.
“Never akong naging scam *laugh* una pa lang kasi, alam ko ng may gusto yun sayo. hindi mo lang binibigyan pansin”
o edi siya na! punyemas. labag sa loob ko na ibigay sa kanya ang Ferrari ko. bakit kasi naalala niya pa! psh.
“Anong meron?” kakapasok lang na tanong ni Autumn sa amin.
ipinakita ni Louise ang car key ng Ferrari. gulat na nakatingin ito sa hawak ni Louise.
“Omg! bumili ka?”
Louise rolled her eyes at umayos ito ng upo “Nope. sa akin na ang Ferrari ni Dionne, talo siya sa bet namin” masiglang sambit nito.
“Omg! anong pinagpustahan niyo? nakakaloka kayo” curious nitong tanong.
inirapan ko lamang sila, ayoko magsalita. nababanas ako dahil wala na sa akin ang Ferrari ko. psh!
“kung may gusto ba si Gavin sa kanya. then ayun totoo ngang may gusto si boyfriend niya sa kanya. tapos sa akin na ito” natutuwa nitong kwento
tinakpan ni Autumn ang bibig nito gamit ang kamay habang gulat na gulat sa nalaman.
“Edi kayo na! ang mahal kaya nung Ferrari . saka kakabili mo lang yun, right? Dionne?”
“Scam yang si Louise.” bored kong sagot.
sabay pa silang tumawa.
“Sige, mang-asar pa kayo” medyo naiinis kong sabi.
bibili na nga lang ako ng bago para pampalubag loob. nagko-collect pa naman ako ng sasakyan. hays!
maaga akong nag-out. wala namang masyadong gagawin dahil tinapos na namin lahat. sabi din sa akin ni Austin na baka next month tapos na yung project na ibinigay namin sa kanila. naireport na rin ni Rain sa amin yung mga Cosmetics na ako ang nag-design. baka next week ay may mailalabas na kaming product. pagkatapos nun ay pipili kami kung Model ba or Artist ang kukuhanin para sa photoshoots ng products.
BINABASA MO ANG
Masterpiece : Morgan Series #1 ✅
Hayran KurguDionne Alexia Morgan is the owner of D'sign Company ▪Completed▪ ✅ Morgan Series #1 2020 story. kisstelm 2020