Chapter 14

239 11 0
                                    


Chapter 14

Dionne

I poured tequila on my glass again and drank it in one shot. taragis na yan! naguguluhan na ako sa nararamdaman at ikinikilos ko. hindi ko alam kung bakit gumaganto ako!

limang araw na ang nakakalipas magmula nung walk-out'an ako ni Gavin. daig ko pa ang na-broken hearted. hindi ko na din alam kung bakit nagkakaganito ako! punyemas.

mahigit 5 days na din siyang walang paramdam sa akin! punyeta talaga, hindi ako sanay na hindi ito nag-memessage sa akin. kahit nga yung pagsundo niya sa akin after ng photoshoots niya ay hinahanap ko. tuwing lalabas ako ng kumpanya lagi kong pinapanalangin na sana.... sana andoon siya naghihintay, pero lagi lamang akong nadidismaya at umaasa. ang hirap ng ganito.

“I told you, gusto ka niya” ani Louise

gusto? kung gusto niya ako edi sana sinabi niya diba! at kung gusto niya ako edi sana nagpaparamdam pa din siya sa akin. taragis na yan.

“how do you say so? kita mo hindi nga ako minemessage” this time, tinungga ko na ang bote ng tequila.

“Obvious naman sa mga kilos niya. hindi ka pag-aaksayahan ng pahanon nun kung wala siyang feelings sayo”
“Na-ghosting ka tuloy” dagdag pa nito

punyetang ghosting yan!

“true. ang sakit naman kasi ng sinabi mo sa kanya. friends? nakaka-hurt ng ego yun, girl.” kumento pa ni Autumn.

“hindi ko naman sinasadya. saka malay ko ba!”
“eh ano ba dapat ang sabihin ko?”

tumungga ulit ako ng tequila. hindi ko na kailangan ng shot glass, pwede namang dito ko na lang inumin. gano'n din naman.

inilapag ni Sean ang dalawa pang bote ng tequila.

pinapunta sila ni Louise dito sa bahay ko dahil nagsabi si Manang kay Louise na nag-iinom daw ako mag-isa kaya ayan, pinuntahan nila ako agad-agad.

“Ang dami mo ng nainom, hindi ka pa lasing niyan?” Sean said at naupo ito sa tabi ni Autumn.

“Alam mo men, inlababo ka na sa Model na yun. in denial ka lang talaga” he added and poured tequila on his glass.

hindi ko na din alam kung ano 'tong nararamdaman ko! ang sabi naman nilang tatlo may gusto na ako kay Gavin pero hindi ko lang talaga maamin.

ilang araw ko ding iniisip yun. hindi naman ako magkakaganito kung wala akong nararamdaman sa kanya! punyeta ngayon ko nga lang na-realize eh! ang slow ko. punyemas talaga.

“Oo na, oo na. inlove na kung inlove. bwisit kamo siya, hindi nagrereply sa mga messages ko” saka ko tinungga muli ang tequila.

tumatawang pinapanuod ako ni Autumn. “kahit sino naman kasi diba! nasaktan yung tao sa sinabi mo. bakit kasi ang slow mo, girl?” she said

slow na kung slow. eh sa ngayon ko nga lang na-realize yung effort niya at feelings ko. psh!

“Kung ako yung Gavin, hindi talaga kita rereply'an mag-hahanap na lang ako ng iba” ibinato ko ang gucci kong tsinelas sa kanya.

napaka ng lalaking 'to!

“yun lang ang sinabi ko sa kanya, akala mo naman sinaktan ko ng sobra” inis kong wika

“hayyyyy...yup *laugh* hirap mong makaintindi girl hah!”

“sa Bar ni Ximena ka magpakalasing. yayayain ko sila Gaby. ano game?” Louise said

nagsitanguan sila. inubos na muna namin ang dalawang bote ng tequila, nagpalit na muna ako ng damit at nag-ayos ng kaunti. hindi pa naman ako lasing kaya okay lang! doon na lang ako magpapakalasing. si Sean ang nagdrive sa amin papuntang X's Bar. may dalang sasakyan si Autumn kaya humiwalay ito sa amin.

Masterpiece : Morgan Series #1 ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon