ITP - 10

120 0 0
                                    

ARIEL.

So we're currently having fun at the bar. But I saw Frank was crying kaya nag-decide na muna kami mag-VIP. So, andito kami ngayon sa VIP room so we can talk. Yes, Carmen was aware kung saan kami mag-ha-hang out at alam ko din kung saan siya susunduin kaya hindi matter sa akin 'yun.

"Ano, ako na ba muna mag-kuwento?" Pag-tapik ko kay Frank dahil first time in forever kong nakitang umiiyak 'to. Alam ko si Raphael lang ang umiiyak, eh. Which is our bunso.

"Mukha nga Kuya kailangan mo mauna. Habang humihikbi pa 'yung isa." Sasagot na sana ako nang marini ko si Frank na nag-salita,

"Oo, tol. Ikaw na muna. Mag-simula na muna tayo sa masaya." Sagot naman niya. Well, bihira lang kasi talaga ako magkaganito sa kanya. Carmen and I never let our pride win. Kahit mahirap, sinasabe namin sa isa't isa na kailangan matapos ang isang araw, maayos na or as much as possible, mababawasan ang galit.

"Wala naman na akong maku-kuwento sa inyo, tol. Especially ngayon, alam ko na lahat ng past niya at alam kong wala na siyang tinatago, mas magiging strong ang foundation ng relationship namin. Isa pa, nakakulong na sa akin 'yun. For sure, wala nang magiging kawala 'yun sa akin." Sabe ko naman sa kanila na nakatingin lang sa akin si Raphael and Frank.

"Mabuti ka pa , tol. 'Yung akin kasi hindi ko maintindihan. Simula nu'ng niligawan ko siya parang wala nang tama nangyari sa amin. Away dito, away doon. Kahit hindi naman kailangan pag-talunan, pinagtatalunan. Nakakapagod din kasi tol. Pakiramdam ko tuloy parang magiging toxic lang ang relasyon naming dalawa" Sabi naman nito at umiiyak na. Nakakabakla naman talaga ang mag-mahal.

FRANK.

Andito kami ngayon sa private room which is I'm crying right now. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Parang kabago bago pa lang namin gusto ko na agad mag-pahinga. You can't blame me, simula nu'ng niligawan ko siya wala na kaming ginawa kung hindi mag-away nang mag-away. Mahal ko naman siya, eh. Kaya lang naman kasi ako ganito kasi mahal ko siya.

"Bakit hindi na lang kaya kayo mag-live in, Kuya?" Sagot ni Raphael na napatingin lang naman kami sa kanya ni Raphael. "Don't get me wrong, Kuya. Pero, para mas makilala niyo pa ang isa't isa. Katulad ng ginawa nila ni Kuya Ariel. Malay mo mas ma-lessen ang away niyo. Kahit condo lang muna. For sure naman hindi ka nag-girlfriend dahil gusto mo lang. I mean, isang taon ka din nag-tiyaga kay Ate Rachel para sagutin ka. Malabong trip trip lang relasyon niyo." Pag-de-defend naman ni Frank. Pero, oo nga, ano? What if hindi siya pumayag? Natatakot akong mag-tanong sa kanya especially hindi talaga ako prepared.

"Actually, Raphael is right. I mean, come on hindi na tayo mga teenagers, we're not getting any younger for sure may mga savings ka na naitago to build your own relationship. Hindi naman lahat ng nagsasama agad, naghihiwalay, eh. 'Yung iba nga, walang ligaw ligaw, nagtatagal pa din." Ariel said and actually, totoo naman ang sinasabe nila. Partners kami ni Ariel sa company kaya for sure kaya naman namin mag-settle down nang hindi nag-iipon.

"Paano kung hindi siya pumayag?" Sagot ko naman na halatang kinagulat nila. Alam nilang batikan ako pagdating sa babae. Pero, naduduwag ako pagdating kay Rachel. Ganito nga siguro ang tunay na nagmamahal.

"Edi hintayin mo siya ang mag-aya. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." Sabi naman ni Ariel. Siya na ata ang pinaka-expert kasi kayang kaya niyang i-handle is Carmen. Or sadyang hindi lang ganun si Carmen na nang-aaway katulad ni Rachel?

"Bahala na. Basta, gagawin ko kung ano ang makakapag-pasaya sa akin. At kung tutol man siya doon, I'll wait for the right time." Sagot ko na ikatuwa naman nila dahil may respeto pa rin ako sa babae. Kung ayaw ng babae, bakit mo pipilitin? Sabi nga, kung mahal mo, hayaan mo lang sa kung ano man ang gusto. Kaya nag-cheers kami at sabay sabay uminom.

RAPHAEL.

Kakatapos lang mag-open up ng mga Kuya ko. Ako? Ito, litong lito kung sino ang pipiliin ko. There's this girl that I met earlier and parang nahanga ako sa kagandahan niya. Alam mo 'yung parang nangyari kay Kuya Ariel and Ate Carmen? Ganun. Kaya naman hindi ko na alam ang gagawin ko. Si Kuya Ariel, masaya. Si Kuya Frank, malungkot. Ako naman, confused. Hay nakuuu. Si Kuya Ariel lang ata ang consistent na masaya sa aming talto.

"Kuya's." Tawag ko sa kanila kaya naman napatingin sa akin ang mga Kuya ko.

"Oy, bunso. Parang ang bigat ng dinadala natin, ha?" Sagot sa akin ni Ariel. Well, hindi kasi ako showy sa mga ganito pero first time ko ma-confused. Unang una sure na akong papakasalan ko siya at magiging kami. Pero nu'ng may nakita akong babae kanina, para akong biglang na-confused.

"Kuya Ariel, Kuya Frank, paano niyo nalaman mahal niyo si Ate Carmen and Ate Rachel?" Pagtatanong ko sa kanila na ikinagulat dahil hindi naman ako mahilig mag-tanong sa mga ganitong bagay. Kusa na lang silang nago-open.

"As I've said sa proposal ko kanina, dapat maghihiganti ako sa ginawa ng Ate Jillian mo sa akin. Dahil sobrang sakit. Pakiramdam ko napagbagsakan ako ng langit at lupa. The day na sinabe kong maghihiganti ako, saktong dumaan sa harap ko Ate Carmen mo. Hindi ko malaman kung ano mararamdaman ko. Alam mo 'yung parang matagal mo na siyang kakilala? Para siyang familiar na nagkausap kayo parang pakiramdam mo matagal mo na siyang kilala. Tapos, hindi ko maintindihan, palagi ko na siyang gustong makita, palagi ko na siyang gustong kasama. Sabi nga ng Kuya Frank mi, iba daw ang ngiti ko simula nu'ng dumating siya sa buhay ko. Until one time, may kasama siyang ka-trabaho niya na ewan ko wala naman akong karapatang mag-selos, wala naman akong karapatang awayin siya o mag-tampo sa kanya, but I did. At doon ko na na-realize na mahal ko na pala siya." Sabi naman ni Kuya sabay inom ng wine. Sana all, ano?

"Well, ako naman hindi ko din alam kung kailan nag-start ang pagmamahal ko kay Rachel. Basta kapag tinitignan ko siya parang may iba sa kanya na hindi ko maintindihan. Until one time pumunta tayo sa MOA kasama tayong anim tinitigan ko siya at without knowing na nakatingin pala siya sa akin sabay biglang lumakas ang tibok ng puso ko. At doon. Doon ko na-realize na mahal ko na pala siya at doon na ako nag-start manligaw." Sasagot na sana ako nang biglang sumagot si Kuya Ariel.

"Bakit mo pala natanong? Ano ba ang problema?" Concern na tanong sa akin ni Kuya. They know me so well as I've said, kilala nila ako at just like the three girls, ever since High School sila na ang kasama ko.

"Kasi Kuya, 'di ba may babae akong laging pinupuntahan sa ABS? Nu'ng una, gustong gusto ko siya. Parang pakiramdam ko nga kami nang dalawa, eh. Pero kanina, bago pa umiyak si Kuya Frank, may nakita akong babae na parang alam mo 'yun hindi ko ba alam kung slow-mo o ano. Parang I can say na kung ano 'yung naramdaman ni Kuya Ariel when he first saw Ate Carmen. Parang ganun."

"Kanina mo lang nakilala, 'di ba? Did you have the chance to talk to him?" Tanong naman ni Kuya Frank.

"Wala. kasi nag-madali ako nnu'ng tinext niyo kao na dito tayo dapat sa VIP room. Alangan namang unahin ko pa 'yun. Pero, paano na 'to?" Pagtatanong ko sa kanila. Ang hirap mag-mahal. Nakakaloko. Hindi mo alam kung parang tama pa ba ang ginagawa mo o ano.

"Ngayon mo pa lang nakita, bunso. Tignan natin bukas kung nawala na ang tama ng alak mo, saka natin ulit pag-usapan 'yan. Baka rin kasi nabigla ka lang." Sabi ni Kuya Ariel. Baka nga dulot lang 'to ng alak. Eh kapag nakainom ka minsan kung ano-ano naiisip mo kailangan nga lang itulog ito. Niyakap ko silang dalawa at niyakap naman nila ako pabalik. Bro-hug kung baga. Ang sarap magkaroon ng katulad nilang mga kaibigan.

END.

IN THE PAST.Where stories live. Discover now