ITP - 26

101 1 1
                                    



ARIEL.


Nakauwi ako sa bahay nang walang tao. Sanay naman na akong mag-isa. Kaya, nagpasya lang akong titigan ang ceiling.


Ang lungkot. Kahit ano’ng gawin ko, nalulungkot ako. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko na alam kung ano mangyayari sa akin dahil sa sobrang kalungkutan.


Hinawakan ko ang phone ko at tinext ko si Frank. “Frank, samahan mo ako.” I texted. Sana naman libre siya.


“Sige, tol. On the way.” One call away talaga ‘tong kaibigan ko. HA HA.


“Sama mo na din sa Raphael. Kailangan ko kayong dalawa. Pasensya na sa abala.” alam ko kasing may mga lovelife ‘tong mga ‘to. Nagkabaliktad kami ng sitwasyon. Sila naman ang masaya sa lovelife. Ako? ‘Yung kasiyahan ko nasa iba na. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I have never been this sad in my entire life.


“Kasama ko na, pre. On the way kami kasama pagkain at alak.” Kabisado na talaga nila ako mag-aya. HAHAHAHAHA.


“Salamat.” Buti na lang kahit malungkot ang buhay ko may mga kaibigan ako na handang makinig sa kadramahan ko. Kaya ngayon, maghanda na sila. Dahil ako’y maglalabas ng sama ng loob hanggang sa maka-move on. Makakamove on pa ba ako?


Kakaisip ko, hindi ko na namalayang nandito na pala ‘yung tatlo. Buti naman. Hindi ko mararamdamang mag-isa ako.


“Ang laki ng pinagbago mo, Pare.” Frank said. Oo, malaki talaga. Hindi na ako palangiti katulad ng dati. Hindi na ako tumatawa, puro blank expression at iyak lang ang nakikita nilang emosyon ko. Ilang years na din ang nakalipas hindi pa din ako masaysa. Sino ba magiging masaya na dapat ikakasal ka na, naudlot pa?


“Pasensya na mga tol, ha. Hindi ko na din kasi kilala ang sarili ko. Ang kilala ko kasing ako ‘yung magiging asawa ni Carmen. Hindi ito.” Naiiyak kong sabi at niyakap naman ako nitong dalawang ‘to. Naisip ko nga na lahat nagbabago except sa pinagsamahan naming tatlo.


“Nandito lang kami Kuya. Ilabas mo lang.” Raphael said na mas lalo ko namang kinaiyak. Mas ako ‘yung naging expressive sa kanila at mas naging mahina dahil hindi ko na kayang i-handle ‘yung sarili ko.


“Ready ka na ba mag-kuwento?” tanong ni Frank sa akin at pumiglas na ako sa pagkakayakap.


“Game over na, tol. Sila na nu’ng sinasabe niya sa akin na the one that got away niya.” Mas lalo lang ako umiyak at nag-shot na ako ng alak dahil sa sakit. Umiyak lang ako ng umiyak at hinayaan naman nila akong ilabas ‘yun.


“Sabi nga sa akin ni Rachel , tol. Sila na daw.” Uminom lang ako ng uminom. Hindi ko alam kung nakakailan na ako pero napapagod na ang puso ko. Napapagod na din ako.


“Bakasyon ka na kaya muna Kuya? I mean, andito lang naman ako at si Kuya Frank. Kailangan mo ‘yun, Kuya. Freshen up ka muna hanggang sa makaya mo na ulit at buo na ang sarili mo. Kesa naman ganito, Kuya. Nagpapalugmok ka sa lungkot habang nakikita mong masaya si Ate Carmen. I mean, para sa akin lang Kuya. Alam kong ayaw mong iwan ang trabaho mo. Pero kasi Kuya, nakikita naming kailangan mo ‘yun. Pangako Kuya, aalagaan namin ‘yung company na tinayo ng magulang natin.” Sabi naman ni Raphael. I felt the sincerity of what he says. I am actually planning to go to the US. Hindi naman masama. Baka nga, I really lost myself in the process of loving Carmen all these years. Siguro nga, siguro nga kailangan ko na munang mag-pahinga.


“Oo nga tol. Besides, meron din naman tayong branch sa US. You can work there for a while para naman medyo mas freshen up ka. Masiyado nang malungkot sa’yo ang Pinas, eh.” Sabay tawa naman at oo nga. Masiyado nang masakit ang memories ko dito sa Pinas. Probably, tama sila.


“Basta, bibisitahin niyo ako doon?” Tanong ko sa kanila at umoo naman ‘tong mga ‘to. Dahil kung hindi nako! It may sound so cliche, pero mamimiss ko din ‘tong mga ‘to. Para ko na ring kapatid ‘tong tatlo, eh. Kulang na lang mag-sama sama kami sa iisang bahay. Which is plano namin with our girlfriends.


PERO MUKHANG WALA NA.

IN THE PAST.Where stories live. Discover now