ITP - 12

109 1 0
                                    

ARIEL


Nagising ako na parang bata ang itsura ko, nagulat ako nandito ako sa dati naming bahay. At nagulat na lang ako ng sumigaw si Mama.


“Anak, pasok ka na sa School.” Nagtataka ako kasi sa pagkakaalam ko, namatay si Mama dahil hindi niya kinaya ang sakit niya na cancer. Matagal na bago pa kami magkakilala ni Carmen. Pero, nagulat ako kasi pagkatingin ko sa salamin, ang bata ko tignan. Parang ang edad ko eh edad ng High School na first year. Ito ‘yung makikilala ko pa lang si Raphael and Frank. Pero, teka, bakit ako nandito? Nananaginip lang ba ako?


Nagulat na lang ako ng nakita ko ‘yung matandang nag-sabe sa akin na puwede ko na daw itama ang pagkakamali ko sa nakaraan. Ito na ba ‘yun? “Bakit mo ginagawa ito? Kuntento na ako sa kung ano ang meron sa present ko. Ibalik mo na ako doon, parang awa mo na.” Umiiyak ako na parang bata at hindi ko naman maintindihan kung bakit nakangiti lang ito sa akin.


“Maiintindihan mo din kapag nandoon na ulit kayo sa panahon na kung saan nagkakilala kayo ni Carmen.” Mas lalo akong nagdadabog na parang matanda na. Matanda naman na talaga ang isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang maranasan ito.


“Pero, kuntento na ako. Kuntento na ako sa kung ano’ng meron ako. Wala akong what if’s sa buhay. Wala na akong kailangang balikan pa dito.” Sagot ko na parang nagmamakaawa dahil hindi ko na kayang mawala si Carmen at nakita ko ang kamay ko, andoon pa din ang singsing na mas lalo akong naiyak.


“Hijo, hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Mag-tiwala ka. Kung nagawa niyong mag-kita sa unang pagkakataon, kung kayo talaga, kayo. Hayaan mong may ma-realize sa Carmen. Mag-tiwala ka sa pagmamahal niyong dalawa para isa’t isa. Isipin mo na isa itong malaking bangungot na nangyari sa inyong dalawa.” Sasagot na sana si ako pero biglang nag-laho ang matanda. Hindi ko maintindihan ang nangyari


Hindi ako makapaniwala sa kababalaghang nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung kapangyarihan ba ng matandang ‘yun ang pabalikin ako sa nakaraan. Pero, ayo’ko. Ayo’kong mawala ang babes ko. Sinubukan kong i-search sa laptop sa Friendster ang pangalan ni Carmen pero hindi ko maaalala ‘yung mukha. Gusto kong puntahan siya pero hindi ko maaalala kung saan. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ang alam ko lang ang pangalan niya at ikakasal kami.


“Putang ina!!!!” Pag-sigaw ko sa bahay na narinig naman ni Mama. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumabog sa galit. Hindi ko alam kung paano hahanapin si Carmen dahil para akong nagkaroon ng memory gap. Ang tanging naaalala ko lang si Carmen Sarmiento ay mapapangasawa ko.


“Anak, ano ba nangyayari?” Pag-aalalang tanong ni Mama nang marinig ang sigaw ko.


“Mama, si Carmen. Ayaw kong mawala siya. Hindi ito ang panahon ko. Nasa isip ko lang ito, Mama.” Pag-iyak kong sabi sa kanya. Bakla mang isipin, pero siya lang ang mahal ko. Mapa-future man o present, or past, siya lang ang mahal ko. Wala nang iba.


“Anak, walang Carmen, si Jillian ang nililigawan mo. Please lang, huwag ka naman maging ganyan sa sarili mo.” Sabi sa akin ni Mama. Of course, what do I expect? Hindi niya kilala si Carmen dahil bago pa lang kami magkakilala, namatay na siya at kasabay naman nu’n ang paghihiwalay namin ni Jillian.


“Ma, alam ko ang mangyayari sa nakalipas.” Hagulgol ko. “Mabubuntis si Jillian ng ibang lalaki dahil niloloko niya ako sa sobrang pagiging busy ko. At ikaw Ma, magkakaroon ka ng sakit. Hindi ka makaka-survive. Ayun ‘yung kasabay naming hiwalayan ni Jillian. Ma, please. Maniwala ka sa akin. Hindi ko naman ginusto ‘to. I want you to be alive. But, gusto ko ng mamuhay sa present. I shouldn’t be here in the first place.” Pag-iyak ko sa kanya. Shit! Hindi ako ‘to, eh. Mas magiging tahimik ako knowing na wala na akong ganang mabuhay. Para akong binagsakan ng langit at lupa.


“Anak….” Wala nang nasabe si Mama kung hindi makinig na lang sa mga hagulgol ko. Hindi ko kayang mawala si Carmen. Hindi ko kaya. If waiting is the solution para mapasa’kin siyang muli, I will do it. Kahit maging resulta pa nito ay pagbabago sa nakalipas.


END.

IN THE PAST.Where stories live. Discover now