ITP - 16

90 1 2
                                    

THIRD PERSON

Months passed, ganun pa din ang ugali ni Ariel. Laging hahalikan ang singsing na para bang kasama niya si Agnes. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Sa ngayon, mas lalo lang siyang nagkulong sa bahay, hindi umaalis.

Ang Pisikal na kaanyuan niya ay bata pa lang. Pero ang edad sa utak niya at edad niya sa kasalukuyan bago sila bumalik sa nakaraan.

Nakahiga lamang si Ariel at tumititig sa ceiling at biglang may tumulong luha. "I missed you, Babes." Umiiyak na naman siya. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari sa paligid niya. Pero, wala pa ding nagbabago. Umaasa pa din siyang balang araw, sa tamang panahon, makikilala nila ang isa't isa.

Habang nakatitig lang si Ariel sa ceiling ay bigla namang may nagparamdam. Ang babaeng nagdala sa kanya sa nakaraan.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Sagot niya na may halong kasungitan. Dahil sinisisi niya ang babaeng 'yun kung bakit nandito sila sa ganitong sitwasyon.

"Kamusta ka na?" Sabe naman ng babae and he laughed bitterly.

"Gusto mong malaman kung kamusta ako from what you did?! Bullshit! Saan ka ba kasing mundo nanggaling para magkaroon ka ng kapangyarihan na ibalik ang nakaraan?! Durog na durog na ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm getting worst, lady! Tang ina. Please lang! Bring my Carmen back!!!" He exclaimed na kinagulat naman ng babae. Siya din ay naaawa sa desisyon pero kailangan niyang gawin 'yun. Hindi para kay Frank, Ariel, Rachel, Oh kung sino man.

"Ariel, katulad ng sinasabe ko mag-tiwala ka sa pagmamahalan niyong dalawa. I'm doing this for a purpose. Sige, sabihin na nating wala kang what if's. Pero, paano 'yung ibang tao? Katulad nga ng sinasabe nila, kung kayo, kayo. The history will repeat itself. Mangyayari ang mga dapat na mangyayari. Probably this time, it's kina different." Mahinahon na sagot ng matanda.

"Alam mo ang nararamdaman ko ngayon?! Takot!!! If you know, hindi ako ang first love ni Agnes! What if bumalik siya doon sa kinukuwento niya sa akin?! What if sila na ang magkatuluyan sa mga susunod na araw?! Kasi panigurado, Charles are doing his move right now para ayusin ang nakaraan nila ni Carmen! Tang ina!!!" At nag-simula na siyang mag-dabog, umiyak, magalit.

Naaawa na din ang babae rito. Pero, wala siyang magagawa kung hindi gawin ang mga bagay na dapat gawin.

"Katulad ng sinabe ko Ariel, history repeats itself. Hindi nga lang siya katulad ng una, pero maniwala ka sa kung ano ang meron kayo. At ayan din ang dahilan kung bakit ko kayo dinala sa nakaraan. WHAT IF'S." Diniin niyang sinabe na kinatahimik naman ni Ariel. Aalis na sana ito nang nag-salita siya ulit.

"Balang araw, maiintindihan mo kung bakit ito nangyayari. Pero sa ngayon, isipin mo muna na ang isa sa mga dahilan nito ay ang nare-realize mo lang na mahal mo ang isang tao, o mahalaga sa'yo ang isang tao kapag mahalaga na siya sa'yo."

Tuluyan nang umalis ang babae at napaisip naman si Ariel sa sinabe ng babae. Paulit ulit sa kanyang isipan.

"Magtitiwala ako sa pagmamahalan na meron tayo, babes." Sabi niya habang tinititigan ang singsing na kailanma'y hindi niya hinubad.

At muli TUMULO NA NAMAN ANG KANYANG LUHA.

IN THE PAST.Where stories live. Discover now