ITP - 17

84 1 0
                                    

FRANK

Actually, hindi din ako makapaniwala sa mga kababalaghang nangyayari sa amin. Sa mundo na kinagagalawan namin. Para ba kaming nagkaroon ng chance na itama ang mga mali.

'Yung ibang tao for sure, matutuwa. Pero, ang katulad ko? HINDI. Oo, may mga mali ako sa past. But because of that mistakes, it makes me who I was nu'ng nasa present ako.

Just like Ariel, I don't have any what if's. Pero, sinasabe nu'ng babae na hindi lang naman daw kami ang tao sa mundo which is totoo naman. Pero, hindi naman na siguro kailangang humantong pa sa ganito.

Naaawa na ako kay Ariel. I witnessed how much he loves Carmen. Halos never mong makikitang nag-aaway 'yan. Dahil napaka-understanding nila sa isa't isa. Alam ko nga, naghahanda na si Ariel nu'n sa kasal kasi they want to make it official since they are living on the same roof.

I'm actually at the balcony. Tinitignan ko lang ang mga stars. Sa pagkakaalam ko, paborito 'to ni Rachel. Speaking of her, nakakamiss din pala 'yun. Siya 'yung tipong you'll get annoyed. But once you're used to it, matutuwa ka na sa sense of humor na. Namimiss ko na 'yung babaeng 'yun.

I admitted, gago ako sa unang past namin. Madami akong babae. Pero, nag-bago na din 'yun nu'ng nakilala ko si Rachel. And now I realized why Rachel was hesitate to say yes back then.

Ngayon 'yung araw na nabuko ako na tatlong babae na pinagsabay sabay ko. Pero, sa unang past na 'yun. Ngayon, since sabi naman nila may pagkakataong itama ang past, ito na ang ginagawa ko. I'm just waiting for the right time na makikita ko ulit si Rachel. I missed her, I missed her presence.

Natauhan ako nu'ng may luha na palang tumutulo sa mata ko. Bakla mang pakinggan pero kahit kaming mga gago, marunong din mag-mahal. Sadyang may mga rason lang talaga kami kung ba't kami naging ganito.

Anyway, I was about to drink beer kaso biglaang may nag-text. Si Raphael. Kami lang ang magkakilala sa panahon na 'to. Ako, tandang tanda ko pa buong detalye. Pero, ewan ko ba kay Ariel. Parang lahat ng memories niya sa present, nawala.

"Kuya, punta ka dito." He texted me. Yes, Kuya tawag niya sa akin dahil parang kapatid ko na din 'yung batang 'yun. So, hindi na ako nag-reply at agad agad naman akong pumunta.

30 minutes after nakarating na ako sa Condo niya at agad naman akong kumatok saka binuksan niya.

Yumakap lang sa akin at umiiyak. Nakakabakla pero isa siya sa mga fragile na lalaki. Na parang akala mo siya 'yung babae. But, don't get him wrong, he's straight. Clingy lang talaga siya kasi nasanay siya sa mga magulang niya.

"Ano nangyari this time, Raph?" Seryosong tanong ko na humahagulgol pa din sa akin. Oo nga pala, sa past life namin ito 'yung araw na nag-hiwalay sila nu'ng pinakamamahal niya dahil mas pinili ang ibang bansa kesa sa kanya.

"Natatakot ako, Kuya. Ayaw ko na masaktan ulit. Ayaw ko na kumirot ulit ang puso ko. Pero, nararamdaman ko na naman. Hindi na ako manhid, Kuya. Ayaw ko na sa pagkakataong 'to. I'd rather die t than to be in my past." Sabi niya sa akin. Sa aming tatlo, ako na lang ata ang hindi nakakapagbuhos ng sama ng loob.

I just tapped her back. Wala akong masabe dahil maging ako, gulong-gulo na din sa nangyayari. Wala ni-isa sa amin kung ano ang nangyayari. Wala ni-isa sa amin na alam ang rason kung bakit kailangan pa naming maranasan ang mga naranasan namin dati.

Wala kaming maintindihan sa nangyari.

Pero, nagtitiwala ako sa pagmamahalan namin ni Rachel na balang araw, magiging kami sa huli at maghihintay ako kahit gaano pa katagal.

IN THE PAST.Where stories live. Discover now