ITP - 25

96 1 3
                                    




ARIEL




After hearing her confession, mas nasaktan ako. Mas nagsisi ako. Ba't ba kasi ako naniwala na babalik sa dati ang lahat? Bakit ako kumapit sa alam kong puwede namang lumayo sa akin? Wala na. Hindi na. Ayo'ko na. Pagod na ako. Ito na 'yung huling araw na mamahalin kita. Ito na 'yung huling araw na masasaktan ako at ikaw ang dahilan. Simula ngayon, hindi na kita kilala Carmen.




Nakatingin lang siya sa akin habang iniisip ko 'yung mga bagay na 'yun. Hindi ko na nga alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Pakiramdam ko nga, wala na akong karapatang maging masaya.




"Carmen." ayan lang ang nasabe ko sa lahat ng nasabe niya. Pakiramdam ko, wala na akong buhay.



Tumingin lang siya sa akin as a response at naghihintay sa sasabihin niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit at hinalikan na para bang uhaw na uhaw. Good thing, she responded.




"Mag-iingat ka lagi. Mahal na mahal kita, Carmen. Mahal na mahal." Hinalikan ko siya sa noo.



Umalis na ako kahit alam kong umiiyak siya. Hindi ko hinayaan ang sarili kong lingunin man lang siya dahil alam kong maghahabol lang ako at magbabasakali.



Kaya kahit masakit, kahit mahirap, kahit ayo'ko. KAILANGAN KO NA SIYANG PAKAWALAN.




Kailangan ko ng kalimutan ang nakaraan.




Tinignan ko ang suot ko na singsing at may luhang tumulo sa singsing na 'yun.






SIGURO NGA, PANAHON NA. PANAHON NA PARA MAG-SIMULA AKONG MULI NANG WALA KA.


IN THE PAST.Where stories live. Discover now