ITP - 22

76 1 0
                                    




ARIEL.


Nandito ako sa bahay at nagbabasa ng mga messages. Until someone caught my attention.


Si Frank.


“Pre, do you know what date it is?” He asked. Teka, ano ba ang espesyal sa araw na ito? Wala naman akong naaalalang espesyal. Unless, kung ito ang araw ng birthday ng dalawang kaibigan ko. Hindi naman.


“Wednesday. July 16, 2018. Ang date ngayon. Bakit?” Pagtatanong ko sa kanya. Kasi hindi ko talaga siya ma-gets kung bakit parang para sa kanya eh napaka-espesyal na araw na ‘to. Sa pagkakaalam ko, never pa naman siya nagka-GF ng seyoso. Loko loko ‘yun, eh.


“Tang ina, pre! Nakalimutan mo na?” Munggago. Nakakapikon na ‘tong lalaking ‘to. I mean, itatanong ko ba kung ano ang meron ngayon kung alam ko? Common sense naman para sa kaibigan ko. Jusq.


“Bobo ka ba? Tatanungin ba kita kung alam ko?” Sabi ko sa kanya. Oo, ganyan talaga kami mag-usap. Pero, never naman kami nag-away ng grabehan. Hindi naman na kasi uso sa amin ‘yun.


“Gago! Ngayong araw mo nakilala si Carmen!!!!” Lumaki ang mata ko sa nasabe niyang ‘yun. Putang ina. Kaya naman pala parang may naaalala na ako tungkol sa kanya kasi ngayon kami nagkakilala. Kung paano kami nagkakilala. Sa isang coffee shop nu’n. She’s in a hurry pa nga, eh.


FLASHBACK.


Nandito ako sa Starbucks sa may Makati near St. Lukes. Nagpa-check up kasi ako kasi lumalala ‘yung pagiging anemic ko. Kaya naman dito na muna ako nag-stay. While I was picking up my order, may babaeng nagmamadali at natabig niya sa akin ang kape na dapat iinumin niya.


“Oh. Shit!!! I’m sorry, Mr!” She was trying na punasan ang damit ko using her tissues pero ang dami ng natapon sa damit ko.


“Puwede na.” I thought. Ngumisi ako dahil parang I was captivated by her beauty. Hindi ko din alam kung bakit napunta ‘yun sa isip ko.


“You want to make it up to me? Remember, mamahalin ang damit ko.” It was actually a joke. It’s nothing big. Pero, ewan ko ba. Biglaan ko siyang napag-tripan.


“Yes. What can I do?” Kinakabahang tanong niya. Well, her innocent face parang ang hirap saktan nitong babaeng ‘to. Well, hindi ko naman siya papahirapan.


“Go on a date with me.” I winked at may sasabihin pa sana siya but hinila ko siya papuntang kotse.

END OF FLASHBACK.


Dali-dali akong pumunta sa coffeeshop na ‘yun where our first meet happens but pumunta lang pala ako to feel disappointed.



“Ano ba iniisip mo? For sure, inayos na niya ang nakaraan niya with that guy.” I thought.


Umalis na ako doon sa coffeeshop kung saan kami nagkita. I have decided to go to places kung saan gusto niya laging nandu’n kami.


SA SUNSET.

IN THE PAST.Where stories live. Discover now