Chapter 15

437 38 0
                                    

Wala pa ding usad sa plano ko tungkol sa pagkuha ng kwintas ko kay Rose. Nagtataka ako bakit hindi ko makitang suot niya yung kanya.. Tinago ba niya ito o nawala? Knowing na hinagilap ko sa buong kwarto niya pero wala akong nakita.

Magic class namin ngayon at pakiramdam ko naman walang mangyayaring hindi kanais nais ngayong araw. Dumako ang tingin ko kay Rose at napahinga ng malalim, nakita ako ang pagsiksik niya ng sarili niya kay Jacob at nang nakita ni Jacob na nakatingin ako agad niyang inalis ang braso ni Rose na pilit na kumakapit. Umirap na lamang ako dahil sa nakita ko.

"Jacob, since ikaw ang pinaka leader dito para maitrain ang mga kasama mo pakita mo naman ang mahika mo."

Nagsalita ang guro namin para sa subject na ito, at tinawag si Jacob sa harapan. Nakangiti si Nadia habang nagaabang sa gagawin ni Jacob.

"ano bang mahika niya bukod sa gawing tao ang mga hayop?" tanong ko kay Nadia.

"tignan mo na lang, maaamaze ka dito." masyado ata akong excited malaman at tinanong ko pa kay Nadia e makikita ko naman din ngayon.


Nasa harapan na si Jacob at nagulat ako s nakita ko, lumipad siya sa taas dahilan upang kami lahat ay mapatingin sa taas. May ginawa siyang hugis mga hayop sa pamamagitan ng mahika niya na ginagakit upang gawing tao ang mga hayop.

Napasinghap ang lahat dahil sa mahikang taglay ni Jacob gayon din ako. Bumaba na siya at tumingin sa akin ng ilang minuto bago bumalik sa kanyang pwesto.

Naisip ko bigla ang kwintas, pwede niya akong matulungan para hanapin ang ninakaw na kwintas ni Rose.



Tanghali na ng matapos ang ensayo namin, natapos na kaming mag lunch ni Nadia. Hindi ko malaman sa anong dahilan pero parang iniiwasan niya si Leon. Parang noong nakaraang gabi lang okay sila bakit ngayon parang nagkakailangan ang dalawa?

Biglang pumasok sa isip ko si Edrian, kamusta na kaya siya? Bakit hindi ko pa siya nakikitang umattend sa magic class?

"okay ka lang Alice?" nandito kami ngayon ni Nadia sa garden, sinamahan ko siya para maglibang at magamit ang mahika.

"naalala ko lang si Edrian, never ko kasi siya nakitang umattend ng klase," napatigil si Nadia sa kanyang ginagawa at bumalik din agad sa pageensayo noong narinig ang pagkasabi ko.

"hindi ka ba mageensayo ng mahika mo?" tanong ni Nadia sa akin. Umiling lamang ako dahil ano ba paggagamitan ko neto?

Bigla kong naalala ang matandang tumulong sa akin para mahanap ang academy.

"Nads pwede bang magpasama sa bayan? May hahanapin lang ako," napangiti si Nadia sa sinabi ko dahil parang gusto din naman niyang magpunta sa bayan.

Hindi kalaunan, pumayag din siya mamayang alas tres nang hapon kami pupunta ng bayan.




Pasado alas tres kaming lumabas ng academy ni Nadia at naglalakad kami ngayon papunta sa bahay namin para hanapin ang matanda.

Dumaan kami sa palengke kung saan nakita ko unang beses ang matanda pero wala. Baka sakaling tindera din siya dito pero mukhang nagkamali ako.

Nagpahinga muna kami sa karinderya ni Nadia, at libre ko naman ngayon para makabawi ako. Alas singko na ng hapon at mamaya maya babalik na kami sa academy.

"Alice nararamdaman mo ba?" nagsalita si Nadia na nasa harapan ko.

"yung ano?" nagtataka kong tanong dito.

"lumilindol," nakita ko ang mga tao ngayon ay nagtatakbuhan dahil sa lindol at nararamdaman ko na na paunti unti nang lumalakas ang pag yanig.

Tumayo kami ni Nadia upang bumalik na sa academy, subalit sabay kaming napatigil ni Nads noong nakita namin ang mga taong nababalot nang takot dahil sa nangyayari.

Bigla kong naramdaman ang dagat na malakas ang alon at paglingon ko sa likod tama nga ang hinala ko. Papunta ngayon dito sa lupa ang alon nang dagat.

Nabalot kami ng takot ni Nadia, kung tutuusin dapat kalmado lang ako dahil mahika ko ito pero hindi ko alam bakit bigla na lang ako nabalot nang takot.

"tara na Alice!" hinila ako ni Nadia upang kami ay tumakbo na bago maabutan ng malakas na alon.

Madaming bata at matatanda ang nasa labas ngayon, mga mukhang inosente na hindi alam ang kanilang gagawin. Pinagmasdan ko ang iilan, naalala ko ang buhay noon namin ni mama. Ma kamusta ka na?

Nakaramdam ako nang pagkirot sa puso ko noong muling naalala si mama. Pasensya na ma, nahihirapan ako sa misyon na ito pero kakayanin ko.

"Alice, Nadia!" si Jacob

"Jacob!" si Nadia ang sumigaw at hinila ako papalapit kay Jacob.

"halika na," hinila kami ni Jacob at para ilipad kami pabalik sa academy pero bigla akong bumitaw.

"Alice!" nagulat ako sa bahagyang pagsigaw ni Jacob dahil siguro nagulat sa pagbitaw ko.

"mauna na kayo, kailangan ko ayusin to." tinuro ko ang alon ng dagat na palalapit ngayon sa amin sa pamamagitan nang mga mata ko.

"nababaliw ka na ba?" tinuon ni Jacob ang atensyon niya sa akin.

"mauna na kayo, kailangan ko tong ayusin dahil ako lang ang may mahikang ganito!" pasigaw kong balik kay Jacob dahil sa inis ko dito, nagulat naman siya at natahimik.

"ihahatid ko si Nadia, babalikan kita." dahan dahang naglakad ang dalawa at lumipad na pabalik sa academy.

Ngayon magisa ako dito nakatayo habang pinagmamasdan ang mga taong nagsisitakbuhan. Huminga ako ng malalim bago ibuhos lahat ng aking lakas.

Naramdaman ko ang paghinto ng lindol at ang pagalon na lang ng dagat ang problema ngayon.

Nilabas ko ang mahika ko sa pamamagitan ng aking mga kamay at itinapat sa dagat na aking natatanaw kahit malayo. Tumigil ang pagalon ng dagat papunta dito dahilan para mapatigil din ang mga tao.

Sa pamamagitan ng aking mahika buong lakas kong itinuon ang aking pwersa sa dagat upang maibalik sa dating itsura neto. Nawala ang pagalon ng dagat ngayon, naibalik sa dating itsura neto.

Naging kalmado na ang paligid ngunit makikita mo ang iilan na nawasak dahil sa pag alon nang malakas. Napatingin ako sa paligid at ang mga taong bakas sa kanilang mukha ang pagkagulat. Patay ako neto kay president.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa nangyari, at ginamitan ko ng aking mahika ang mga punong nabali dahil sa lindol. Makikita mo na lang ngayon ang mga bahay na bahagyang nasira ng pagalon at lindol.

Ngayong maayos na at sa palagay ko wala namang nasaktan, tumakbo na ako upang hindi na makakuha ng atensyon nang iba. Mukhang hindi naman malalaman to ni president dahil si Nadia at Jacob lang naman ang kasama ko dito.


Tumakbo ako papalayo papasok sa gubat kung nasaan ang academy, nagpahinga ako saglit dahil sa pagod ko. Masakit ang aking katawan sa nangyari pero may halong kagalakan ang aking nararamdaman dahil walang nasaktan sa mundo ng mga tao.

Sana makalimutan na ng mga tao sa mga susunod na araw ang aking ginawa. Sana huwag na ulit mangyari ang nasaksihan ko kanina.

"Alice," si Jacob na ngayon ay kagagaling sa pagtakbo

"bakit ka tumakbo?" naupo si Jacob sa  tabi ko dahil pagod din siya sa kakatakbo.

"babalikan kita diba?" napatingin ako sa kanya dahil sa pagkabigla sa sinabi niya.

"ayos na ko, naayos ko."

Sinabi ko sa kanya na ayos na ang lahat at para mapanatag na din siya sa nangyari.

"wala bang masakit sayo?" nabigla ako sa biglaang paghila niya sa aking braso.

"wala Jacob, si Nadia ba?" tanong ko dito.

"okay na siya, nagaalala lang sayo." sumandal ako para makapagpahinga at ganoon din ang ginawa ni Jacob.

Hindi ko alam bakit napakagaan sa loob ang ginawa kong pagligtas sa mundo ng mga tao.


••••••

The Bond of Magic #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon